Marguax Santiago
"Goodmorning, missy." Bati sakin ni Mommy pagbaba ko. Kakain nalang ako tapos pupunta na sa school.
"Nagluto ako ng Bacon, tsaka siomai. Favorite mo yun diba? Kain na."
"Kain na po tayo."
------
Papunta na ako sa school. Minabuti ko nalang na magcommute. Maaga pa naman.*Beeeeep*
Sht! Muntikan pa ako mahagip. Buti nalang nakaiwas ako kaya lang nagasgasan ako sa daanan. Ouch.
"Tumingin ka kasi sa daanan mo!" Sigaw pa nung driver. Epal! Siya na nga muntik makabangga eh.
"Okay ka lang?" May nag abot sakin ng kamay niya, sino naman to?
Inabot ko naman yung kamay niya.
"Thanks."
"Welcome, uh. Marg?!" Teka kilala niya ako?
Kinuha ko agad yung salamin ko sa bag para malinaw siyang makita.
"CJ?!"
"Oh, yes!"
"Weh? CJ grabe long time no see." Nagyakapan kami. Siya yung kaklase ko nung highschool. Grabe andaming bumabalik ngayon ah. Naalala ko na naman si Mr. Teddy Bear.
"San ka ba nag aaral?" Tanong ko. Sumabay na kasi siya pagpunta ko sa school. Nagcommute din siya.
"St. Claire." School namin yun ah!"
"Talaga ako din eh. Transferee ka?"
"Haha, halata ba?" Ito na naman siya nambabara eh.
"Gusto mo magsungit ulit ako sa'yo?" Nagpout siya. Haha. Makulit parin siya katulad ng dati.
Papasok na kami sa school ng nagtatawanan padin.
Nga pala.
"Anong course mo?" Tanong ko.
"Engeneering. Ikaw din?" Tumango ako kaya sabay na kami pumasok sa room. Values ang first subject namin kaya kaklase ko sila gette ngayon.
"Goodmorning, Class." Binati din namin si Sir Jumayma.
"Pano ba itech? May new fafa na naman tayo dito. Transferee." Natilian na yung mga kaklase ko. Ngiting ngiti naman si CJ.
"Feel na feel mo ah." Bulong ko sakanya kaya tumawa naman siya.
Pumunta na siya sa harap tsaka nagpakilala.
"Yo, I'm CJ Del Pilar." Saka bumalik na siya sa tabi ko. Yun lang sinabi niya? Hmp, bahala nga siya dyan.
Buti nga, andito si CJ hindi na ako mag isa.
Wala namang masyadong nangyari sa Values kanina hindi katulad dati. Na wag na nating balikan.
"Boo! Nakakalunod naman yan."
"Siraulo! Teka, andami naman niyan?" Marami kasi yung inorder niyang pagkain.
"Para sa'yo yan. Ang payat payat mo na! Dati dambuhala ka ah."
"Grabe, chubby lang ako nun. Tapos ngayon, sexy na ako." Tumayo tayo pa ako at humawak sa beywang.
"Ang hangin ata, Taba." Ayan na naman yung tawag niya sakin nung highschool.
"Wow, ayos ka panget ah!" Tinawag ko rin sakanya yung dati kong tawag sakanya.
Nagtawanan lang kami ng nagtawanan. Hanggang pumunta si Den sa table namin.
"Hi, fafa CJ. UY, Marg." Eto talaga, pag pogi haha.
"Uh, Den. Bakit? Nga pala sorry."
"Tama na muna yung kadramahan na yan. Si Von!"
"Ha? Bakit anong nangyari?" Napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Wait lang, fafa ah? Puntahan lang namin yung boyfriend niya." Tumango naman si CJ kaya hinila na ako ni Den.
"Teka nga? Ano bang meron?" Hindi niya pa nasasagot nung makapunta kami sa Stage. Nakita ko agad si Von.
"Marguax. I'm sorry."
Simple niyang sabi saka unti unting lumuhod dun sa gate. Ayoko yung mga moment na ganto.
Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya nagsialisan yung mga tao dun.
Hindi ako makalakad o makasilong man lang para hindi mabasa ng ulan.
Pero teka? Bakit hindi ako nababasa?
Napaangat ako ng tingin at nalamang may nagpapayong pala sakin si CJ.
"Uwi na tayo. Hahatod na kami." Tumango ako sakanya pero nilingon ko ulit si Von. Nakaluhod at basang basa ng ulan.
--
Tahimik lang ako sa buong byahe namin. Hindi narin naman masyadong nagtatanong si CJ.Habang naglalakad kami, naisipan kong mag open ng topic.
"Aalis na din pala kami dito, tatapusin ko lang yung sem. We'll go to US."
"Sayang naman." Malungkot na sabi niya.
"Okay lang yan, magkikita pa naman tayo. Haha. Saka medyo matagal pa yun." Sakto namang huminto sa kami sa bahay namin. Kaya niyakap na niya ako.
"Hayaan mo, pag nagkita tayo ulit hindi na kita pakakawalan."
"Sira! Haha. Sige na bye." sabi ko saka naglakad para magdoor bell. Naglakad narin si CJ palayo.
Napatingin naman ako sa langit, hindi na pala umuulan. Si Von kaya?,
Pinidot ko na agad yung doorbell.
Nag angat ako ng tingin sa nag bukas.
Aww, parang isinasampal sakin ang abs ng isang to.Medyo basa basa pa. Grabe, ano ba tong iniisp ko. Para akong si Den.
Mabilis ko nalang tiningnan kung sino yung nagbukas."Von! Sino andyan?" Tanong ni Mommy sakanya.
"Andyan na po siya." Simple niyang sabi. Habang nakatitig padin sakin.
"I'm sorry."
"Naiintindihan ko." Hindi parin namin inaalis yung tingin namin sa isa't isa. Grabe, para akong nahihilo sa mga titig niya. Hindi parin ako makapaniwalang pinatawad ko siya.
"Sige, halika na kayo. Kasi kakain na tayo." Ay, parang iba yung pagkakadinig ko d--
"Halika na daw eh." He kissed me. Tapos nagwink pa. Siraulo to. Hinala niya narin ako para makakain.
"Nasabi narin siguro ng mommy mo sa'yo iho no?" Tumango siya. Siguro pinaguusapan nila yung sa US.
"Opo, sasama po ako." Napaubo ako. Weh?