(A/N: Picture ni Bridgette Madrigal sa gallery section. Yiiiks!)
Bridgette Madrigal
"Sige, contest nalang. Pair!" Naknang! Andami naman nilang naiisip, samantalang ako kanina pa hindi mapakali dito. Badtrip kasi, ba't pumunta pa dito si Jad.
"Oo nga! Tara tara." Prince.
"Lugi kami sa inyo, pareha kayo magaling kumanta ako hindi marunong." Marguax.
"Okay lang yan, tuturuan kita." Si Von. Sabay akbay kay Marguax.
"Pare! Game nalang oh. Matatalo namin kayo ni Bridgette. Diba babe?" Sabay akbay sakin. VILLAFLOR!!!!
"Babe mo mukha mo! Che." Wala na, nambwibwiset na naman siya.
"Aww, nagalit na babe ko---ARAY!" Natigil na siya, pano sinipa ko yung ano. Yung tuhod niya. Ehehe.
"Aruy! Ow." Tumatalon talon pa siy a. Buti nga sakanya haha.
"Cause it's you and me, and all of the people with nothing to do. Nothing to lose. And it's you and me and all of the people and i don't know why. I can't my eyes off you."
Edi sila na sweet. Nah, sila Dennise at Prince yan. Pero bakit biglaan naman atang naging sweet si Prince? Eh hindi nga ata sila magkakilala or should I say na hindi nga ata ni Prince kilala yan si Dennise.
Tahimik lang kasi yan. Snob pa. Well kung nagtataka kayo kung bakit madami akong alam sa kanila, kasi kaklase ko sila for four years sa highschool.
And magkakatropa sila ni J-- basta yun. I can't even say his d*mn name.
"O kayo naman!" Sabi ni Prince. Kaya tumango naman tong lalaking to habang nakangisi na pang aso. Sarap hambalusin promise.
Kanina nga pala napag usapan namin na iba ang pipili nung kantang kakantahin since medyo di naman ganun luma yung music dito.
Now playing: Cool Off
WTF?
Kadiri.
"Oy, bawal KJ ah!" napairap nalang ako, ang ingay ng bunganga nito ni Dennise kahit kelan.
"Wag ka munang magalit. Ako sana'y pakinggan. Di ko balak ang ika'y saktan. Hindi ikaw ang problema. Wala akong iba, di tulad ng iyong hinala." Nakayuko lang ako habang kinakanta niya to.
Bakit feel ko patama sakin to? Nah, hindi. Itanong natin to sa gumawa. Diba? Diba?
Ay, wait. Ako na.
"Sarili ay di maintindihan, hindi ko malaman. Ano ba ang dahilan ng pansamantalang paghingi ko ng kalayaan. Minamahal kita pero kailagan ko lang mag isa."
I didn't mean it, okay? Yun talaga yun. Sa lyrics.
Dahil sa line na yun mas lalo siyang napangisi bakit ba kasi ang init ng dugo ko dito. Eh, kasi naman..
"Wag mong isipin na hindi kana mahal sarili ko'y hahanapin ko lang. At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala ay para rin sa ating.. dalawa." Sabay pala naming kinanta. -________-
"hooo! Full of emotion."
"Idol ko na ka'yo!"
"OMG!" Naaasar na ako. Swear.
-----
Marguax SantiagoKami kami nalang tatlo dito, umalis na kasi yung mga lalaki eh. Ten pm na din kasi.
Andito na kami sa kwarto ni Bridgette, badtrip na badtrip nga siya kanina eh. Sa ex niya, haha. Saya niya asarin haha.
*Beep*
Eh? Sino naman to? Madalas kasing hindi tumutunog tong cellphone ko.
From: Von Tolentino
Hello, haha.
Ah! Si Von lang pala.
To: Von Tolentino
Hi. May nakakatawa ba?
From: Von Tolentino
Nakakatuwa lang kasi naging magkasama tayo.
Okay, ang weird na niya.
To: Von Tolentino
Ha? Magkaibigan naman tayo so, normal lang na maging magkasama tayo lagi.
From: Von Tolentino
Magkaibigan?
Ha? Hindi ko na talaga maintindihan.
To: Von Tolentino
Oo naman.
From: Von Tolentino
Asige. Labas nalang tayo bukas. Tutal magkaibigan naman tayo di--
Hindi ko na nabasa, may nang aaw kasi. Tss, sino pa edi si Dennise.
"Asige. Labas nalang tayo bukas. Tutal magkaibigan na naman tayo diba? WAAAAA! Pagkatapos niyo dyan sa WAAAAAA! Sa overnight niyo. WAAAAA--- ARAY!" AYAN! Buti nga sakanya, nabatukan siya ng lola namin este ni Bridgette.
"Mukha kang manok! Hahaha." Nakitawa na din ako, may point siya haha.
"Anong pag uusapan natin?" Tanong ko, kanina pa kasi sila nagbabangayan.
"SI VON." Wow, naman sabay pa silang dalawa?
"Uh, okay anong pag uusapan sa kanya?"
"Nanliligaw ba?" Tanong ni Dennise.
"Hindi." Nga pala napagpasyahan naming paisa isa yung tanong tsaka paikot so, si Dennise na next.
"Kamusta kayo ni Prince?"Tanong ko kasi sa tingin ko friends na din sila.
"WAAAAH. OMG!"
"Sasagot ka o ipupukpok ko to sa'yo?" Tanong ni Bridgette. Ambrutal kasi hawak niya yung lamp shade nila.
"Che! Bahay mo? Bahay mo?"
"Anong connect niyan sa lamp shade?"
"Akin yan!"
"What, kailan pa naging magkakonekta yung bahay niyo sa lamp shades niyo na sa'yo?"
