Chapter II. Meeting

185 19 4
                                    

Margaux Santiago

"Bayang magaliw, perlas ng silanganan. Alab ng puso sa dibdib mo'y buhay.~"

Pagkatapos ng flag ceremony, umakyat na sa kanya kanyang room. Umagang umaga pala pero I'm exhausted. Minsan nga naboboringan ako pagfirst day of school eh. Puro getting-to-know-each-other lang.

Big glasses, many books na hawak, nakapony tail yung medyo kulot na buhok. Yan yung itsura ko.

"Uh, hi?" May nangalabit sakin mula sa likod.

"H-Hello." Aaminin ko, nakakahiya. Hindi kasi ako masyadong social.

"Von." Inabot niya sakin yung kamay niya. Shakehands ba?

"Marguax." Ngumiti siya tapos nakipagkamay ako.

"Course mo?" Am I supposed to talk to him? Yung matagal?

"A-Ah. E-Engineering. Ikaw?" Nah, mukha namang mabait. Atleast may kasama na ako.

"Talaga? Engineering din ako! Punta na tayong room?" Nice one. May makakasama na ako.

"Sige." Pumunta na kami ng room. Hindi naman pala ganon kacomplicated yung daan. Natandaan ko na.

Nagtabi nadin kami ng upuan. Para daw may makausap naman siya.

"Engineering book?' Tumango ako.

"Nag aaral kana agad?  Wala pa ngang discussions eh."

"Mas okay na yun, handa."

"Gusto mo talaga yung kinuha mong course no?" Nagtaka naman ako sa tanong niya. Bakit siya ba?

"Oo naman. Bakit ikaw, hindi ba?" Umiling siya.

"Gusto lang ng parents ko." I feel bad for him. Mahirap talaga yung pinagdadaanan niya.

"That's okay. Saka kaya mo yan." Ngumiti ako. Mabait nga siyang tao.

Niyakap niya naman ako. I hugged him back. May pinagdadaanan siya. Iba kasi siya bumuntong hininga eh. Malalim pa sa malalim.

Sakto naman na break ngayon kaya nagsilabasan na yung iba. Nahihiya pa din kasi ako eh.

Nagpaalam siya sakin na magccr siya kaya nagset kami ng antayan. Sa may Bench.

"Hi, kaibigan mo si Von?" Nagulat naman ako sa nagsalita. Hindi ko siya kilala. Hindi ko siya kaklase.

"Ah, o-oo?" Kaibigan ko naman talaga siya eh.

"Waaaaah! OMG! Ang swerte mo girl!" Swerte ko daw, bakit? Pano? Saka sino ba siya?

"H-huh?"

"Don't tell me, hindi mo siya ganun kakilala?" Umiling ako. Napunta yung kamay niya sa bibig niya na parang gulat. Seriously? What's up?

"Hearthrob yun! Varsity." Am I wrong kung sasabihin ko kung 'eh ano?

Magsasalita na dapat ako nung biglang dumating si Von.

"Kyaaaaaa!" Bigla namang tumili si-- sino  ba siya hindi ko kilala?

"Hi, Von. Sige, aalis na ako. Dennise nga pala."

"Margaux." Nakipagkamay siya tapos umalis na.

---
Dennise Garcia

Grabe, ang swerte talaga ni Marguax. Nah, sakanya na yun.

Marami pa naman iba dyan. Si Prince tsaka si Jad.

Sakto namang dumaan sila sa harap ko. Silang dalawa talaga. OMG!

Pwede na silang dalawa sakin. Para Prince Jad tapos ako Princess Den! Waaaah.

Binilisan ko yung lakad ko.

*boogsh*

"Ay, sorry po."

"Okay lang. Hm, Bridgette." sabi niya sabay abot ng kamay sakin

"Uh, Dennise." Ngumiti ako. Ayos, 2girls in one day.

Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon