XIX. Happy?

69 11 0
                                    

Dennise Garcia

Goodmorning world. Hindi ko alam kung ano pang word ang makakapagdescribe ng happiness. Lagi akong ganto pag umaga. Haha!

Maaga akong nakapagready ngayon. Ewan ko din kung bakit eh.

Bumaba na ako, para magbreakfast. Tama, maaga ako papasok ngayon. Pupuntahan ko si Prince sa tamabayan nila mamaya. Excited na naman akong makita siya.

45Minutes pa ang vacant time nung nakarating ako sa school. Kaya pa yan.

Dumereho na ako agad sa tamabayan nila.

Inikot ko na yung doorknob nung...

"Sasabihin mo na? Wag mong sabihing nahulog kana sakanya? Pare, hopeless romantic yun. Sakal ka dun."

"HAHAHAHA."

ANO TO?

"Eh basta. Pano kung oo?"

"So hindi na itutuloy yung dare?"

*blag*

Nahulog ko yung dala dala kong gamit. Did I heard it right?

Dare. Ako?

"D-Den.." Tawag ni Prince sakin habang naglalakad papunta sakin.

"Woah. Aminin mo na pare. Para masakal kana." Sabi ni Rod. Tunay ba silang kaibigan? Bakit sila ganyan?

"Den..." Gusto ko siyang sipain, tanggalan ng buhok. Kalmutin lahat lahat na. Pero hindi ko kaya.

Tumakbo na ako, pinipigilan ko yung luha ko.

"Wag ka nga umiyak Dennise Alessandra Garcia. Hindi ka niya deserve." Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko yan habang tumatakbo.

Tanga din ako eh, ang taas ko mangarap. Yung magugustuhan ako ng crush ko? Mahirap ata yung mangyari.

Tanga ako, kasi ang lakas kong maniwala sakanya.

"Den.." biglang may humablot sa braso ko saka ako sinakay sa kotse.

"Ano ba!" Sigaw ko. Sobra sobra na akong naiirita sakanya!

"Uh..yung narinig mo kanina.." Please. Pakisabing hindi totoo yun.

"Totoo yung dare pero totoong mahal kita." Maniniwala pa ba ako?

"Anong magagawa mo para maniwala ako?" Totoo. Hindi ko na alam yung totoo. Hindi ko na alam kung sino yung paniniwalaan ko eh.

"Look, I'm sorry. Hindi ko alam kung pano ka maniniwala pero totoo ito. Totoo na, Den. Oo, ginamit ko lang yung dare--"

"Bakit kasi kailangan pa ng dare!" Tumaas na yung dugo ko. Ayoko na.

"Kasi yun lang yung dahilan para hindi ako lalong mahulog sa'yo kasi alam kong dare lang yun." Mariin niyang sabi. Napatahimik ako.

"P-pero bakit dare pa? Pansin mo naman sigurong gusto na kita first day palang." Sht. Hindi ko na napigilan yung bibig ko.

"I'm sorry." Nanigas ako sa sinabi niya. Parang lahat ng galit ko nawala.

Nasa loob kami ng sasakyan, habang hawak niya yung kamay ko.

"Sorry din." Ngumiti ako.

"Thank you, Den." Tuwang tuwa siyang yumakap sakin. Pero mabigat padin sa loob ko eh. Pinagpustahan lang ako.

Sandali kaming nagkatinginan. Bumaba yung titig niya sa mga labi ko.

Ginawaran niya ako nung malilit na halik sa gilid ng mga labi ko, teasing me.

Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon