CHAPTER 38 Returning the favor

74 2 0
                                    

CHAPTER 38 Returning the Favor

**ZOE’S POV**

“…hindi pa nga yata kumakain ‘yon pare eh. Alila kasi sya sa faculty room eh.” Narining kong sabi ni Ryan kay Jet habang nag-lalakad sila sa sa harap ko sa canteen.

I know they were pertaining to Dwight.

“Tsk. Wala naman  kasi talaga syang kasalana eh. Buti nga tinuruan nya yung mga bibwit na ‘yon ng leksyon.” – Jet

Tinuruan ng leksyon? Ang tinutukoy ba nila ay yung mga pinag-sasapak ni Dwight?

“Buti nga hindi sya nasuspend eh, at napatunayang kasalanan nung mga third year na ‘yon.” – Ryan

Kasalanan nung mga juniors yung nangyare?

“Excuse me Ryan. Jet,” I called them. “I’m sorry to get involved, but are you talking about the fight Dwight did?” na-curious ako sa mga statement nila kaya nagtanong na ako.

“Do you believe it’s Dwight’s fault , Zoe? Kung sabagay, sya kasi ang nagsimula, pero may dahilan naman kasi sya,” Ryan told me.

“Pwede ko bang malaman kung ano yung dahilan?” tanong ko.

“Hindi naman siguro magagalit si Dwight kapag sinabi namin kaya sige, pwede.”- Jet

“Pinoprotektahan ka kasi nya.” – Ryan

Mamamatay tao ba yung mga 3rd year na ‘yon? Wala naman silang ginagawa ah sa’kin ah? “Bakit nya ‘ko kailangan protektahan?” tanong ko ulit.

“May masama silang balak sa’yo.”- Jet

“Believe it or not, pinagpupustahan ka nila. Kung sino unang makakuha sa’yo sya ang panalo. Kaya siguro nila ‘yon nagawa ay dahil sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa’yo.” – Ryan

“And we heard them talking about the bid. Sinabi namin kay Dwight ‘yon at pinakita namin sa kanya kung sino sila. Kaya nung nakita nya siguro na lumapit sa’yo yung apat, umaksyon agad sya. Alam nya kasi kung anong plano nila.” –Jet

“’Di mo sya masisisi, Zoe. Nag-init na dugo no’n malamang kaya napa-away na,” dagdag ni Ryan.

Unti-unti ang pag-sink in sa’kin ng mga inpormasyong sinabi sa’kin nina Jet at Ryan.

Hindi ako maka-paniwalang ako nanaman ang dahilan kung bakit may napahamak nanamang tao.

Isa pa, nagi-guilty ako dahil hindi ko sya pinapansin at natatarayan ko pa sya dahil nabibwisit ako sa kanya dahil ang akala ko sya ang may kasalanan.

“Are those true?” yun na lang ang lumabas sa bibig ko.

“Hindi naman kami magsisinungaling, Zoe. Wala kaming mapapala do’n.” – Jet

“Kahit itanong mo sa guidance councilor.” – Ryan

Ako lang pala iniisip nya ng mga panahong yo’n tapos nagalit pa ako sa kanya. Ni hindi ko man lang hiningi yung side nya.

Torn Between Dreams and RealityWhere stories live. Discover now