CHAPTER 39 Guilty Pleasure
**ZOE’S POV**
“Hindi ko alam kung bakit pero nakukuha mo na ang loob ko… I think I’m falling in love with you Dric.”
Yan ang sinabi ko kay Dric sa panaginip habang kausap ko sya sa isang park at ang nasa paligid namin ay mga dahong nagbabaksakan na akala mo nasa ibang bansa kami na may fall season.
May mali sa mga sinabi ko sa panaginip. Yung unang part tingin ko mali yo’n kasi kung mai-inlove talaga ako kay Dric, alam ko kung bakit. Dahil napaka-bait nya sa akin at sa ibang tao din. Magandang lalaki sya, magaling kumanta, inaalagaan nya ako, at sobrang sweet nya.
Minsan nga nagtataka ako kung bakit hinayaan ni Yvette na mawala si Dric sa mga kamay nya sa kabila ng mga magagandang katangian ni Dric.
Siguro hindi lang talaga sila para sa isa’t-isa.
Madaling mahulog ang loob ko sa taong gusto ko. At gusto ko si Dric, walang dahilan para hindi ko sya magustuhan. Tingin ko kung ipagpapatuloy nya yung mga ginagawa nya sa’kin, mahuhulog ako ng tuluyan sa kanya. Ngayon pa nga lang sumasagi na sa isipan kong sagutin sya eh.
Pero ayoko kasing magpadalos-dalos, gusto ko yung sobrang sigurado na ako kapag ginawa ko ‘yon, yung wala na talagang alinlangan. Yung hindi ko na iisipin si Dwight.
Sya lang naman ang dahilan kung bakit hindi ko pa masagot si Dric eh. Hindi ko alam kung may nararamdaman pa ba ako sa kanya. Sya din, hindi ko alam kung may nararamdaman pa sya sa’kin, parang hindi na nya kasi ako binibigyan ng oras, ‘di gaya dati. But I still consider na may parusa sya na maging student assistant kaya hindi na kami masyado nagkakasama.
Pero sa oras na masigurado kong wala na akong iba pang gusto kay Dwight kundi pagka-kaibigan, sasagutin ko na si Dric.
“You have a message.”
From Dwight: Labas tayo. Fetch you at the gate of your subdivision at 3pm.
Speaking of.
Gusto ko sana sumama para makabawi ako sa kanya for every good things he has done for me, kaso may lakad din kami ni Dric ngayon eh. Wrong timing.
**DWIGHT’S POV**
Sa wakas! Makakapagpahinga din ako after a week of being a student assistant!
But I hate to think that I still have another week to fulfill my job.
Gusto ko nang bumalik sa full time kong panliligaw kay Zoe. Baka delikado na standing ko against Dric. Hindi ‘yon pwede.
Kung pwede ko lang tanggihan yung parusa ko bilang student assistant ginawa ko na eh.
Itetext ko nga sya. Aayain ko syang lumabas para masulit ko naman ang week end ko.
To Zoe: Labas tayo. Fetch you at the gate of your subdivision at 3pm.
*message sent*
YOU ARE READING
Torn Between Dreams and Reality
Teen FictionA story that let's you love the Real thing and let's you Dream endlessly.