CHAPTER 15 Fetcher

101 4 0
                                    

CHAPTER 15 Fetcher

But all this time, I actually believed na gusto nya din ako, na ako lang ang gusto nya. I’m dreaming of him as my prince.

But I guess, he’s not.

I’m dreaming alone.

Hinarap ko sya pero hindi ako lumapit.

“Iniwan mo pinsan ko? Pano ka sasagutin no’n?” I said in a sarcastic tone.

Hinilamos nya ang kanang palad nya sa mukha nya. “Oh shit! You actually think I’m courting her??”

“Oo, sabi ni Vaughn kanina di’ba, at hindi ka naman nag-deny..”

Yun nga yun eh, hindi sya um-oo pero hindi din nya dineny, kaya malamang totoo yun. Kaya masakit eh.

Lumapit sya sa akin at tinanong, “so that’s your issue? Are you jealous?”

Tss! Ako nagseselos??

Hindi lang! Nasasaktan ako!

Pero hindi ko ‘yon pwedeng sabihin sa kanya dahil baka makagulo pa ko sa kanila ni Yvette.

“Umalis ka na, puntahan mo na-“

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil niyakap nya ako.

Ang isang kamay nya ay nasa likod ko, ang isa naman ay nakahawak sa ulo ko.

Sumubsob yung pisngi ko sa dibdib nya.

Sobrang na-shock ako.

This is our very first hug.

Pero wala akong naramdamang kilig.

Napupuno ng tanong ang isip ko.

Bakit nya ‘to ginagawa?

Bakit nya pinaparamdam na mahalaga ako, samantalang nililigawan nya ang pinsan ko?

Why does he care??

Why is he making me feel loved??

“Don’t be jealous.” Pinatong nya yung pisngi nya sa ulo ko. “You’re special to me, and I thought you knew that already ‘coz I told you I have a crush on you. You’re the only girl I think of day and night.. You have a special space in my mind and in my heart.” Nakayakap lang sya sa akin habang sinasabi lahat ng ‘yan. Ramdam ko yung sinseridad ng mga salita nya. “I’m not into your cousin… I’m into you.”

Ayan! Ngayon, kinikilig na ako! :”>

Shemaay! DWIGHT, easy! Magmumuka akong kamatis nito eh!

For one moment, I pressed my face more to his chest and snuffled his smell.

Ang bango nya kahit amoy alak.

Alak… oo nga pala, nakainom sya. *sigh*

Torn Between Dreams and RealityWhere stories live. Discover now