CHAPTER 51 Victory!

66 1 0
                                    

CHAPTER 51 Victory!

Nagpatuloy ang intramurals. And this is the last day. Later at 6pm, after all the games are finished, magkakaron ng awarding/disco party for all the high school students.

Championship na ng bawat laro. Everyone’s giving their best to win every competition.

Naka-pasok naman ang Diamond sa karamihan ng championship. Sa scrabble and dart, natalo na kami kaya 3rd place na. Sa Tennis naman, 4th place ang section namin. Pero hindi na ‘yon masama no.

“Saturn ako,” sabi ng isang estudyante sa isa pa habang nag-uusap sila papuntang gym.

“Diamond ‘yan. ‘Di ka na nasanay,” sagot nung isa.

“Sabagay. Lagi naman silang champion eh. Kung hindi man mag-champion, may place pa din.”

“Kaya pag nag-fourth year ako, gusto ko Diamond ako.”

“True! Same here.”

Nakakatuwa silang pakinggan. Pinag-uusapan nila yung match ng basketball. Saturn kasi ang makakalaban nila Dwight sa championship, which is 5 minutes from now.

Kaya nga eto, papunta na din ako sa gym.

“Bakit ngayon ka lang?” tanong sakin ng pinsan ko.

“Wow ah! Nauna ka pa talaga. Taga-dito ka?” pang-aasar ko.

“Sshh! Wag kang maingay!” takot nyang sabi. Baka kasi mahuli sya ng guard kapag nalamang taga-ibang school sya, haha! “Sinave ka naman namin ng upuan eh,” she’s referring to my friends na katabi nya. Andito din sila Claire, Louise, lahat! Buong fourth year nandito sa likod ng Bench nila Dwight naka-upo para sumoporta.

“Thank you :) Bumili lang naman ako ng popcorn para sa’tin :)” sabi ko at binigay ko na sa mga friends ko yung binili ko.

“Wow, sinehan lang :D” – Melvz

“Salamat, Z :)” Gail

“Wala man lang panulak.” – Rica

“Nagreklamo ka pa? Kaya nyo na mag-provide no’n!” – ako

“Joke lang! :D” – Rica

“Good morning students and faculty members! –“

“Ssh! Start na!” sabi ko ng magsalita ang announcer at umayos na kami ng upo lahat.

“This will be the last basketball game for the intramurals this year. Arree you readdyyy?”

“Whooooo!!!” sigaw ng buong gym.

“I am pretty much sure you are all ready to see who will be bringing home the trophy – and the pride –  of being the Basketball Champions this year!”

“DIAMOND! DIAMOND! DIAMOND!” sigaw ng mga supporters nila Dwight. At kasama kami do’n syempre.

“SATURN! SATURN! SATURN!” sigaw naman ng supporters ng kalaban.

In fairness sa kalaban nila Dwight ah. Magaling sila. Napanuod ko yung ibang laro nila eh. Kahit sophomores pa lang, umaariba na sa basketball. Pero mas bilib padin ako sa Berman ko. HAHA! Berman ko talaga? :”D

Torn Between Dreams and RealityWhere stories live. Discover now