CHAPTER 35 Effects of the Fallacy

74 3 0
                                    

CHAPTER 35 Effects of the Fallacy

**JET’S POV**

“Pare mahirap yung pinag-dadaanan ni Dwight. Hindi madali makipag-kumpetensya,” sabi ko kay Ryan habang naglalakad kami papunta sa gym after class.

“Andun na ako pare, pero si Dwight pa? Wala ka bang bilib do’n? Lahat gagawin no’n.” – Ryan

“Sana nga manalo sya this time.” – ako

Napadaan kami sa tindahan ng yosi. Mejo may kalayuan na ‘to mula sa school pero may nakita kaming mga school mates namin. Kung hindi ako nagkakamali, mga junior sila. Puro lalaki. Nag-uusap sila habang nag-yoyosi.

“…Isang libo pusta ko.”

“Tag-iisang libo kame pare. Apat tayo dito.”

“Oo ba. Basta tatlong libo din ang kabig ko kapag ako ang nanalo.”

“Deal. Isang libo na tayong lahat.”

“Sige, kaylan natin uumpisahan targetin yung Zoe na yo’n?”

Nagka-tinginan kami ni Ryan nang marinig namin ang pangalan ni Zoe.

Hindi kami umalis sa ‘di kalayuan kung saan naririnig namin ang pinag-uusapan nila.

“Bukas mismo. Sabi nyo madali naman makuha yung babaeng yo’n eh.”

“Oo. Yan ang tsismis ngayon. Kung kani-kanino daw yun sumasama eh.”

“Oh sige, paunahan na lang.”

“Dude, excuse me. I’ve heard my friends name,” singit ko sa usapan nila.

Hindi ako pwedeng magka-mali, gusto nilang makuha si Zoe. Kung hindi man ang pagka-babae nya, gusto nila syang gawing girl friend para sa pustahan. Alin lang yo’n sa dalawa.

Hindi kami close ni Zoe pero dahil nililigawan sya ng barkada ko, hindi sya pwedeng magalaw.

“Sino pare?” tanong sa’kin ng isa.

“Teka, senior ka sa school di’ba?” sabi pa ng isa.

“Baka kilala nya si Zoe pare.” Sabi ng isang kasama nila na may hikaw sa labi.

“Kilala nga namin yung pinag-uusapan nyo,” sabi ni Ryan.

“At wag nyong tangkain na ituloy yung plano nyo dahil marami kayong makakalaban,” I warned them.

“Hahaha! Hindi porket mas matanda ka sa’min, susundin ka namin.”

“Hindi nyo kami matatakot.”

“Ang KJ nyo naman. Kung gusto nyo sumali kayo sa pustahan.”

Aba mga gago ‘to ah!

“Palalagpasin namin kayo ngayon pero tandaan nyo yung sinabi naming,” sabi ni Ryan sa kanila. “Halika ka na dude,” sabi naman nya sa’kin.

At tumuloy na kami sa gym.

Torn Between Dreams and RealityWo Geschichten leben. Entdecke jetzt