CHAPTER 23 Boys

75 2 0
                                    

CHAPTER 23 Boys

**DWIGHT’S POV**

I’m at the office right now. Boring training, as usual.

Nasasawa na ‘ko sa mga pinaguusapan nilang puro tungkol sa business. Nakakasawang marinig araw-araw ang tungkol sa stocks, shareholders, management, profit. Nakakarindi!

Gusto ko ng bumalik ng Pinas. Doon, my role is a normal teenager. But here, they see me as a business man already.

Hindi pa din kami nag-uusap ni Dad gaya ng dati.

Si Cassey naman, napagalitan sya kaya wala ng pag-asang pahiramin pa ‘ko nun ng laptop, or even cellphone.

1 week na lang uuwi na ako, kami. Masarap pakinggan, pero parang ang haba padin n’on para sa’kin.

Sa sobrang pagkasabik ko nga nagpaplano na ‘ko ng gagawin ko pagka-balik na pagka-balik ko.

Ano kayang ginagawa ni Zoe ngayon? Sanay na kaya si Zoe na wala ako? Sana hindi. Sana hinahanap hanap nya din ako. Classmate ko pa din kaya sya? Hinahanap kaya ako ng mga barkada ko? Eh mga kaklase ko? First day of school kasi ngayon doon. Sayang nga hindi ako makakapasok sa unang araw, hindi kasi na-book ng maaga yung flight naming, kaya 1 week pa ang hihintayin ko. Tsaka utos ng Dad, hindi pa daw kumpleto ang training ko kaya sapat na mag-stay pa kami ng 1 week dito.

**ZOE’S POV**

“Opo Ma!” – ang kulit kasi ni Mommy eh, puro bilin.

“Teka! Wala ka pang baon!” sigaw ni Mommy bago ako tuluyang makalabas ng bahay.

Nagmamadali kasi ako dahil sa excitement eh.

“Oo nga pala.” Bumalik ako at humingi sa kanya ng pera. “Thanks Ma, bye.” Nagbeso kami.

“Oh  ingat ha. Goodluck on our first day :)” – Mommy

“Opo.” Umalis na ‘ko ng bahay at naglakad papuntang sakayan.

Mejo traffic sa daan pero hindi naman ako na-late. Ang aga ko kaya nagising, dapat lang na hindi ako ma-late no. Ganito ako tuwing na-eexcite eh hehe! Yung hindi makatulog agad tapos ang aga magising :D

“Ahh!”

“Zoe!”

“I miss you!”

Puro sigaw, tili, at yakap ang sumalubong sa’kin, as expected :)yung iba tuloy na nakakakita samin naiingayan at nawiwirduhan, haha!

Ganito kami lagi tuwing first day. Para bang napaka-tagal naming hindi nagkita-kita. Kung sabagay, matagal naman talaga yung 2 months.

Mapapangiti ka na lang sa mga reaksyon namin nung nagkita-kita. Pero pinaka-napangiti ako kay Melvin dahil tinawag nya ‘kong “Bangs!”

“Kamusta Zoe?” - Irene

“Why d’you cut your hair?” - Misty

“Pasalubong ko?” hindi pinansin ang mga tanong nila at nanghingi agad ako ng pasalubong, haha!

“Ikaw, may dala ka ba?” – Rica

“Naman! :)” – ako

“Mamaya ng recess na yang pasalubong at i-explain mo muna kung anong sabe ng bangs mo!” biro ni Claire.

Torn Between Dreams and RealityWhere stories live. Discover now