CHAPTER 57 Different Feelings
**DRIC’S POV**
Isang linggo na ‘kong kinakalyo kaka-gitara. Kapag may praktis o kahit sa bahay, gitara lang hawak ko. Masasabi ‘kong ito ang umaaliw sa’kin ngayon bukod sa paminsan-minsang paglabas ko kasama ng ibang tropa. Mabuti nga’t mejo dumadalas ang gig namin ngayon eh, at least naaagaw no’n ang atensyon ko. Yun nga lang, dumadalas din akong puyat, pagod at umuuwing may tama. Inaabot ako ng madaling araw sa kalsada, mejo napapa-inom na din ako dahil parang may demonyong bumubulong sakin na mag-enjoy muna at ‘wag kaagad umuwi ng bahay. Sa bahay kase, magmumukmok lang ako. Pero hindi naman ako naglalasing dahil magddrive pa ‘ko ng motor pauwi at may klase pa ako kinabukasan, maliban na nga lang kung Biyernes o Sabado.
Kapag wala namang gig, nasa bahay lang ako at kapag napagod na kaka-gitara, napapa-isip ako. Ano bang mali sa’kin? Bakit hindi nya ako pinili? Ano pang kulang? Madami. Sobrang dami kong gusto malaman kahit alam kong wala namang magbabago kahit malaman ko. Isa pa, ayoko na din itanong ‘yon kay Zoe. Kahit na gusto ko padin syang maging kaibigan, syempre kailangan ko dumistansya kahit papano.
Sa dinami-dami ng tanong na pumapasok sa utak ko. Masasabi kong nakatulong naman sila Zac at Rence para mabawasan ‘yon. Naliwanagan ako kahit papano.
Pumunta ko sa kanila nung nakaraang Mikyerkules pagkagaling sa eskwelahan. Wala akong mapuntahan no’n eh.
“Dude I know it’s somewhat your business but you don’t have the right to stick your nose in anymore. It’s done. She chose him. Move on!” – Zac
“Yeah, it may sound tough, but you have to move on.” – Rence
“I’m just asking, okay?” habang naglalaro kasi kami ng PS3 ni Rence, natanong ko sa kanila kung ano sa tingin nila yung dahilan ni Zoe para piliin si Dwight. At kung anong mali at naging pagkukulang ko.
“Zac is just too irritated for this matter that we face on a daily basis because Zoe’s our friend, and now that the clash is over, he just wants everything to be back to normal like the normality we have before all these dramas.” – Rence
“Forgive me for that matter,” I said feeling guilty. Sincere ang pagkaka-sabi ko n’on kahit sa monitor ako nakatingin. Alam kong isa ako sa dahilan kung bakit nasstress si Zoe at nadadamay silang dalawa dahil sila ang tinatakbuhan nya.
“But to answer your question –“
“Oh please! He knows it,” Zac butt in the middle of Rence’s sentence.
“- I think she really loves him,” Rence ended his quote.
Parang hindi na ‘ko nagulat sa sinabi nya. Pakiramdam ko alam ko naman sa sarili ko na maaaring ‘yon talaga ang dahilan. Pinipilit ko lang talaga sigurong hindi isipin. Pinipilit ko lang ang sarili ko na maniwala na may iba pang dahilan kahit nagmumukha akong tanga dahil ginagago ko lang ang sarili ko. Hindi ko matanggap ng buo at hindi ko alam kung matatanggap ko nga.
“Dude you’re losing. Concentrate!” paalala ni Rence sa’kin kaya napa-focus naman ako sa NBA character ko na sa kalaban na pinapasa yung bola. Oo, natuwa na din kami ni Rence sa larong basketball.
“Let’s continue this later. Nawala ako sa mood,” sabi ko.
Nagtaka naman si Rence. “Is this because of what I said? Come on! Zac’s right, you should know it by now. Don’t give up a good game, mate!”
“Why doesn’t she just love me? What’s with Dwight that she can’t find in me? Am I unlovable?”
“Don’t be silly. It’s just a natural feeling. You’re old enough not to know that.” – Rence

YOU ARE READING
Torn Between Dreams and Reality
Teen FictionA story that let's you love the Real thing and let's you Dream endlessly.