CHAPTER 17 Tomato Cheeks

94 3 1
                                    

CHAPTER 17 Tomato Cheeks

*bell rings for next class*

“Thank you ulit Zoe,” sabi nya.

“Welcome :)”

Tumayo na si Dwight at nagpunta na sa upuan nya.

Pero bago sya tuluyang makalayo.

“Dwight!” tumingin naman sya pagkatawag ko sakanya, “Ahh.. ano nga pala sabi mo sa pinsan ko?” Gusto ko kasi malaman kung anong klaseng paliwanag ang ginawa nya.

“Good morning class,” bati ni Ma’am sa klase pagkadating nya.

“I’ll tell you later,” sabi sa’kin ni Dwight, at tuluyan ng pumunta sa upuan nya.

Pumunta na din ako agad sa upuan ko. Iba nanaman kasi ang sitting arrangement sa subject na ‘to eh.

Nasa gitna ako ngayon ni Melvin at Claire.

Si Melvin ay transferee. He’s gay and also one of my friends. Hindi lang namin sya nakakasama lately dahil busy sya sa club na kinabibilangan nya.

And as you may notice, I have a large number of friends. Kahit yung mga hindi ko masyado nakakasama at nakakakwentuhan, friends padin ang turing ko. :)

“Te, sweet-sweetan nanaman kayo ni Dwight ah?” sabi ni Melvin sa’kin at may kasama pang pag-siko.

“Che. Nagtuturo na si Ma’am , makinig na tayo,” sabi ko sa kanya.

“Aba! Ini-isnab mo ang beauty ko ah!” – Melvin

“Ganyan yan Melvs eh, ayaw magkwento tungkol sa kanila ni Dwight,” sabi naman ni Claire.

“Nako te! Hindi pwedeng hindi. Kung kina-kailangan ko syang ipa-Saw 3, gagawin ko, i-spill nya lang ang score sakanila ni Papa Dwight!”

“Haha! Sira ulo ka talaga,” natatawang sabi ni Claire.

“Tsismosang palaka! :D” I told him.

Masarap kausap ‘to si Melvin, mapapatawa ka talaga nya. Pero kahit bakla sya, hindi sya yung puro gay words ang salita, hindi din sya nagpapaloko sa lalaki, matalino ‘to eh! Tsaka yung pananamit nya, pwede pa din syang mapagkamalang straight guy. Kumbaga, hindi sya cross dresser.

*bell rings for dismissal*

Inabot na ng dismissal yung meeting ng drama club. Ang daming kasing preparations eh. Nagbayad din kami ng contribution. Kaming mga hindi kasali sa cast ay magiging mga usherettes at sanay na ko sa bagay na yan. 3 years na akong usherette!

March 24 ang play. Sa theater ng school. Walang pasok that day, pero for sure madaming tao dito sa school.

May class kasi ang plays na pine-present ng club namin yearly, kaya inaabangan lagi ‘to.

Anyway, pabalik na ako ng room para kunin yung mga gamit ko dun.

Konti na lang din ang tao sa room.

Hinanap ko si Dwight pero hindi ko na sya nakita. Wala tuloy tumulong sakin sa pagbibitbit ng mga gamit ko.

Paglabas ko ng campus, dumeretso ako sa isang street food stall. Bumili ako ng Tokneneng at Gulaman :) Matagal-tagal na din akong ‘di nakaka-kain nito eh.

Torn Between Dreams and RealityWhere stories live. Discover now