CHAPTER 28 The Sudden Show Up

84 2 0
                                    

CHAPTER 28 The Sudden Show Up

**ZOE’S POV**

After we ate, umuwi na kami. Hinatid ako nung dalawang kano gamit ang kotse ni Zac. At take note, ang gara ng oto nya, itim na Dodge Charger. Grabe! Gusto ko na nga tumira sa kotse nya eh! Ang ganda pala talaga sa personal no’n, nakikita ko lang kasi yung ganong model sa mga car show sa TV at sa mga racing games. Na-intriga tuloy ako kung gaano kayaman ‘tong si Zac.

Nakauwi akong busog at walang nabawas na pera sa wallet hahaha.

Pag-uwi ko sinabi sakin ni Mommy na may nagpuntang isang lalaki. Dric daw ang pangalan. Sabi ko naman kay Mommy classmate ko yun. Tinanong ko din kung may nasabi ba si Dric kung bakit sya nagpunta, kaso wala naman daw nabanggit. Nung tinext kasi ni Zac si Dric, sabi daw ni Dric wala lang. Ang weird nga eh.

Nag-enjoy ako today. :)

Naisip ko lang, papirmahan ko kaya sa dalawa yung ticket sa sinehan, naiwan kasi sakin eh, remembrance lang :)

“You have a message.”

From Dric: Good night Zoe :)

‘Di naman ako makapag-reply dahil nakalimutan ko nanaman magpa-load kanina nung nasa labas ako.

(NEXT DAY)

Hapon na. Nanunuod ako ng TV sa sala. May nag-door bell.

Tumayo ako at binuksan ko yung pinto. Si Dric ang nasa labas. May dala syang gitara at mga paper bag ng pagkain. :)

“Zoe, sino ‘yon?” tanong ni Mommy na nasa kusina.

“Classmate ko po Mi,” sagot ko.

Lumabas si Mommy sa kusina.

“Si Dric po,” pakilala ko kay Dric sa Mommy ko.

“Hello po, good afternoon :)” bati ni Dric sa Mommy ko.

“Hello hijo :)” bati din ni Mommy.

“Ahh.. may dala po akong meryenda, baka po gutom na kayo.” – Dric

“Ay salamat, nag-abala ka pa. :)” sabi ni Mommy kay Dric, “Zoe, paupuin mo bisita mo,” sabi naman nya sakin.

Bumalik na sya sa kusina.

“Oh napadalaw ka?” tanong ko kay Dric.

“’Di mo muna ko pauupuin? Sundin mo kaya Mommy mo,” biro nya.

“Ay! Sige, upo :)” sabi ko at pina-upo ko sya sa isang sofa sa sala. “Oh, bakit ka nga napadalaw?” pag-uulit ko.

“Wala lang, bakit may gagawin ka ba?” – Dric

“Wala naman.” – ako

“Good. Kanta na lang tayo :)” suggestion nya.

Hindi ko inaasahan ang biglaan nyang aya na kumanta. “Huh? Kakanta talaga? Kaya ba may dala kang gitara?” tanong ko.

“Oo, bakit? Pangit ba boses mo? :D” – Dric

“Hindi ah!” – ako

“Oh, yun pala eh. Patunayan mo :)” – Dric

Torn Between Dreams and RealityDonde viven las historias. Descúbrelo ahora