CHAPTER 33 Alternation

74 1 0
                                    

CHAPTER 33 Alternation

Andito kami ngayon ni Dric sa studio na pinagpapa-praktisan nila ng banda nya. Nakilala ko ang mga band mates nya at mabait naman sila lahat sa’kin. Yun nga lang, lagi nila kaming kinakantyawan ni Dric.

“This is for you Zoe :)” sabi ni Dric tapos nagsimula na tumugtog ang banda.

Alam ko ‘to! Alam ko yung tono.

“Baby I, I wanna know-“

Nung sinimulan na ni Dric, napatunayan kong hindi nga ako nagkamali sa hula ko. Kinikilig tuloy ako dahil sa kanta :”>

“Hope you like it :)” sabi sa’kin ni Dric pagka-tapos.

“Pinilit nya pa kami na alamin yang kanta na yan kahit ayaw namin sa One Direction para lang makanta nya sa’yo hahaha!” sabi ng isa nyang band mate.

“Ayaw nyo sa 1D?” mejo malungkot kong tanong. Last First Kiss kasi ng One Direction yung kinanta nila.

“Hindi naman, hindi lang kami fan haha!” sabi naman ng isa pang member.

Pero nakakatuwa din dahil inaral nila yon para sa’kin ^_^ pumalakpak pa nga ako kanina dahil ang galing nila :)

Alam pala ni Dric na favorite ko ang 1D :)

(NEXT DAY)

“Aaahh!!”

Heto nanaman ako ngayon tumitili. Pero hindi dahil sa Dota. Dahil andito ako ngayon sa bahay ng barkada ni Dwight at nanonood ng horror movie.

“Sshh!” – Dwight

Tumahimik ako at nagtakip ng mata.

“Oy manood ka kaya.” – Dwight

“I hate horror movies!” reklamo ko.

“I know, hahaha!” pang-aasar nya.

“Tawa ka pa. Bwiset!” Sabi ko habang nakatakip ang mata.

Pero tinawanan nya padin ako (-_-)

Maya-maya naramdaman kong tumayo sya at umalis. Tinggal ko ang takip sa mata ko para habulin sya dahil ayaw ko mag-isa pero hindi ko na sya nakita kaya nanatili na lang akong naka-upo sa isang sifa sa harap ng television.

Hindi naman sya nagtagal at umupo na ulit sa tabi ko. “Oh ice cream,” sabi nya.

“Saan?” agad kong tinanggal ang takip sa mata ko, syempre ice cream ‘yon no.

Binigay nya sa’kin yung ice cream.

“San ‘to galing?” dugtong kong tanong.

“Wag ka na magtanong.” – Dwight

“Oh, bakit mo pinatay?” tanong ko ulit nang makita kong pinatay nya yung TV.

“Kumain na lang tayo.” – Dwight

Well, mabuti naman at pinatay na nya dahil hindi talaga ako nag-eenjoy kapag horror movie ang palabas. Alam kong alam nya ‘yon pero pinili nya pa din iplay dahil inaasar nya ako.

Pero hindi naman ako nabadtrip dahil do’n. Siguro akala nya naiinis na ako kaya pinatay na nya yung TV. Hindi nya alam nag-eenjoy din naman ako dahil kasama ko sya :)

Torn Between Dreams and RealityOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz