CHAPTER 50 Ball Games
**ZOE’S POV**
INTRAMS NA! ^__^
Excited ang buong High School department for this event. :) Bukod sa masaya manuod ng mga laro at mag-cheer sa kani-kanilang section, walang klase! ^__^
Nung Friday, binigay na sa lahat ng students yung mga jersey at shorts nila. Black and gold ang color ng section namin. At 00 ang number ko. Bakit 00? Wala lang. Wala akong maisip na number eh. Yung birthday ko sana, kaso may nauna na sa’kin. Kaya ayun, 00 na lang para hindi na ‘ko mahirapan mag-isip :D
Syempre nag-parade ang lahat ng section sa buong HS Dept, 1st year to 4th year. Maraming larong magaganap for this week. Bukod sa ball games, may mga board games din gaya ng Chess, Scrabble, Games of the General at iba pa. May swimming, dart, badminton, tennis at table tennis. Syempre, hindi naman kayang pagsabay-sabayin ang lahat ng laro sa isang court at gym lang. Ang mga lalaban ng swimming, syempre sa pool sila. Dalawa din naman ang court sa gym kaya ang isa ay para sa basketball, ang isa naman ay sa volleyball. Ang mga maglalaro naman ng board games ay nasa isang room para doon maglaban. Kanya-kanyang laro kaya hati ang mga magka-kaklase para suportahan lahat. Kung sinong classmate namin ang may laban, andun kami para suportahan sya. Kapag kami naman, andun din sila para suportahan kami.
Isang linggo kaming mag-eenjoy nito ^_^
‘Eto na… Unang laban na ng section namin sa women’s volleyball. Kinakabahan ako. Una, dahil hindi ako marunong, pangalawa, baka mapahiya ako.
Magaling ang captain ball namin. Actually, lahat ng ka-team ko magaling, kami lang ata talaga ni Gail ang shonga. At aaminin ko din, pati si Beatrice magaling.
As expected, bangko kami ni Gail, haha. Nung mejo sure win na kami, tsaka kami pinasok sa court ng captain ball namin.
“Hernandez, Richards, IN!” sabi ng announcer.
Sabay kaming naglakad ni Gail papunta sa court at pumwesto kami sa lugar namin. Nararamdaman ko din ang kaba nya kaya tinignan ko sya, sakto nakatingin din sya sa’kin, nginitian namin ang isa’t-isa at sinabing “Kaya natin yan ;)”
Nung ako na ang magse-serve, sobrang nangangatog ang laman ko. Tsk! Ayoko pa naman ng ganitong pakiramdam, kada taon na lang na inilagi ko sa eskwelahang ‘to nakakaramdam ako ng ganito tuwing intrams. Nakadagdag pa sa nag-uumapaw kong kaba ang sigaw ng mga nagchee-cheer pati na ang pressure na dapat ko yo’ng mai-serve ng tama dahil baka ako pa ang maging dahilan ng paghabol sa’min ng kalaban.
“Go pinsan!”
Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na pamilyar. Alam kong si Yvette ‘yon. At ng makita ko sya, tama nga ako. Nakakatuwa naman at nagpunta pa sya dito para suportahan ako :)
Huminga ako ng malalim kasabay ng saglit na pagpikit para ikalma ang sarili ko at mag-concentrate.
“Pttt!” pumito na. Kaylangan ko ng tumira.
“Nice,” sabi ng captain ball namin after I served the ball.
Yes! I did well :)
YOU ARE READING
Torn Between Dreams and Reality
Teen FictionA story that let's you love the Real thing and let's you Dream endlessly.