CHAPTER 21 Different situations

92 2 0
                                    

CHAPTER 21 Different Situations

“Focus Dwight,” the suited guy ordered. “You should know, by now, your future colleagues.”

May test ako ngayon. Hindi naman mahirap dahil tungkol lang sa mga stockholders, mga managers at iba pang mga highly paid employees ‘to,  Mga names lang nila ang isasagot ko, pero wala ako sa mood.

Hindi ako nagpapakita ng interes sa nakalipas na isang lingo.

Masama padin ang loob ko.

Pinoy ang mentor ko. Hindi ko alam kung anong posisyon nya sa kompanya namin, but I can say he’s good.

Hindi naman mahirap ang training ko so far. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit kaylangang wala akong cell phone at laptop. Sabagay, hindi ko din masisisi si Dad kung maging strikto sya sakin. Wala kasi akong interes sa negosyo nya.

Pero sumobra naman sya.

Hindi pa ako nakakalibot sa syudad. Buti pa si Mommy at Casey nakaka-gala. Balita ko pa naman maraming tourist spots dito sa London.

“Dwight!” my mentor called out. “What? You’ve been staring that sheet for 20 minutes now!”

Bumalik ako sa wisyo ko.

Sinagutan ko na yung test sheet.

Tss. Walang kahirap-hirap

Pagkatapos ko inabot ko sa kanya agad yung papel.

“May I go now?” tanong ko sakanya. Pero hindi ko na sya hinintay sumagot, tumayo na ako at naglakad papuntang pinto.

“I must say I’m impressed Mr. Berman,” habol nya bago ako tuluyang makalabas ng pinto. Tumigil naman ako sa paglalakad para pakinggan kung may sasabihin pa sya. “You should have answered it right away so time wouldn’t be wasted.” Nanatili akong nakatalikod habang nakikinig. “You’ve answered all of these correctly in less than two minutes.” Sa tono ng pananalita nya, mukhang natuwa sya.

Lumabas na ako tutal mukang wala na naman syang sasabihin.

I saw Mom outside the office. Mukhang hinihintay nya ako.

Tumigil ako sa harap nya. Nakita nya ‘ko at tumayo sya.

“Baby, Cassey and I are going to a mall just near the house, wanna come?” oo, may bahay kami dito. Pero hindi kasing laki ng bahay namin sa Pinas, simple lang. Pinagawa lang ‘yon para tuwing pupunta si Dad dito, may matutuluyan sya, hindi yung laging sa hotel na lang.

“Mom, I’m in prison, remember?”

“Itatakas kita,” she held me wrist.

Masarap sa pandinig ang makalabas at makatakas pero alam kong hindi kami lulusot.

“Mom, you know we can’t.”

“Just come.” Then she pulled me to go.

Pero nakakatatlong hakbang pa lang kami…

“I can see you’re in a hurry,” Dad was there already.

“I told you Mom. I don’t have a life.”

Torn Between Dreams and RealityWhere stories live. Discover now