CHAPTER 44 Out and About

78 1 0
                                    

CHAPTER 44 Out and About

“Zoe!” tawag sa’kin ni Mommy mula sa baba.

“Yes Mommy! I’m coming!” sigaw ko.

Tsk! Kasi naman pabigla-bigla, tapos ngayon ako ang mamadaliin.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba ako sa sala.

“Anjan na sya, Dwight,” Mommy told Dwight.

“Let’s go?” tanong sa’kin ni Dwight.

I gave him a subtle smile.

“Mag-iingat kayo. Umuwi ka sa oras, Zoe,” bilin ni Daddy.

“Ingat ha?:)” – Mommy

“We will, Ma’am, Sir. Alis na po kami,” sabi ni Dwight sa kanila.

Ngumiti si Mommy at tumango si Daddy. At lumabas na kami ng bahay.

“Saan ba tayo pupunta? Gabi na oh,” tanong ko kay Dwight.

“’Di’ba pina-alam kita para mag-dinner? Edi mag-didinner tayo. Saan ka naman nakakita ng dinner sa umaga?” he smart-mouthed.

“Next time tell me ahead of time, okay?” Hassle kasi magmadali.

“But I know you love surprises,” he refused.

Well, he’s right. Pero.. Oh sige na nga, sya na ang bahala!

While we’re on the way, riding his car, napansin kong tingin sya ng tingin sa’kin.

“Baka mabangga tayo sa ginagawa mo. Tandaan mo,iuuwi mo pa ako sa bahay,” pa-alala ko sa kanya.

“Gano’n ka ba talaga kabilis mag-ayos?” tanong nya sa’kin.

Mag-ayos siguro ng sarili bago umalis ang tinutukoy nya. “Oo, bakit? May mali ba? May dumi ba ‘ko sa mukha or what?” tanong ko.

“No, there’s nothing wrong. I’m just wondering how you make yourself beautiful in just a couple of minutes.”

I kept a neutral face but deep inside, super kilig! :”>

“Teka, saan ba tayo kakain?” tanong ko para lang may masabi ako.

“Hindi ko din alam. Saan mo ba gusto?” – Dwight

“Tss, inaya mo ako tapos hindi mo alam.” – ako

“Tinatanong nga kita eh.” – Dwight

Wala naman akong alam na ibang kainan kundi mga fast food at resto na sikat kaso baka ang trip nya ay yung restaurant na tipong konting tao lang nakaka-alam dahil sa sobrang mahal ng mga pagkain.

Pero dahil ako ang tinatanong nya, at inistorbo nya ako sa bahay para lang mag-dinner, ako ang masusunod :D

“Mag-drive thru tayo :)” sabi ko.

“Ano? Eh pano ako makaka-kain kung drive thru?” tanong nya.

Torn Between Dreams and RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon