Chapter 47: The Spark

1.3K 45 4
                                    

"Higupin mo habang mainit pa." Utos sa akin ni Bruce.

"Maya maya. Sobrang init kaya! Mapapaso ang dila ko." Sabi ko.

"Kailangan nga mainit, e. Lalamig na 'yan mamaya." Sabi niya at inabot sa akin ang lugaw.

Sinamaan ko siya ng tingin at hinipan iyon bago nagsimulang kainin.

Hmm... "Ang sarap! Tikman mo." Sabi ko.

Umiling siya. "That's for you."

"Sige na tikim lang naman. Wala naman akong sinabing sa 'yo na." Sabi ko.

"Tash, you need that. At baka mahawaan ako." Sabi niya.

Napasimangot ako. "Lah, ang sama naman ng ugali mo." Sabi ko at ngumiwi. "OA? Hindi ka naman mahahawaan!"

Paismid niya akong nilingon at sinubo ang lugaw sa kutsara ko.

"Oh 'di ba, sabi sa 'yo, e." Sabi ko at tumawa ng malakas nang makitang nakangiwi siya.

"Saan mo ba kasi 'to binili?! Ang panget ng lasa 'no?" Tawang tawa kong sabi.

Natawa rin siya at napainom ng tubig.

"Dito sa canteen ko binili 'yan, akala ko naman, masarap." Aniya.

Natawa ako lalo. "Lasang gamot! Gamot na nga araw araw pati ba naman pagkain ko gamot." Pagrereklamo ko.

Tumayo siya. "I will buy sopas-"

"Bulalo na lang!" Sabi ko.

"What's that?" Tanong niya.

"Basta ayon na lang, masarap 'yun. Bilisan mo ha, wala akong kasama dito." Sabi ko sa kaniya.

"Okay. Wait me if you need to pee, bibilisan ko." Sabi niya at tumalikod.

"Okay, ingat." Sabi ko na lang.

Huminto siya at humarap ulit sa akin. Tinitigan niya ako ng ilang saglit bago tumalikod ulit pero agad ring humarap nang lumapit siya sa akin para halikan ako sa noo. Hinawakan niya ang kamay ko.

"I'll be fast." Sabi niya at umalis na.

Napangiti ako.

Kinagat ko ang labi ko.

Ang lakas talaga ng epekto sa akin ng lalaking 'yon.

Napailing na lang ako at kinuha ang cellphone sa bedside table.

Nang binuksan ko ang data ko ay nagulat ako nang magnotif sa akin ng gc namin dating dati pa.

Hindi kami nagsi-left roon pero ilang taon na rin simula nang hindi kami roon nag-usap usap. Baka nga sinasapot na ang group chat namin, e.

Clinick ko iyon at nagback-read.

Kristel: Miss ko na kayoo!

Clark: Reunion

Fuchsia: I'm free.

Kevin: Birthday ni Krym sa Tuesday, makihanda tayo! Hahahaha

Clark: Grabe ka, hanggang ngayon hindi man lang numipis mukha mo.

Kristel: In short, makapal pa rin.

Kevin: Oo tapos hanggang ngayon mga kampon pa rin kayo ni satanas

Clark: Ay grabe sa satanas ha, hindi ba pwedeng kampon lang ni Marites?

Natigil ako sa pagbabasa at hindi napigilang magreply.

Natasha: HAHAHAHAHAHA TAINA MO CLARK OGAG KA TALAGA

"Hahahahahaha!" Napatawa ako nang dahil sa sinabi niya.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon