Chapter 21: Misunderstanding

1.2K 54 8
                                    

"Huy, tahimik ka ah." Puna ni Fuchsia.

Ngumiti ako at sinulyapan sila Clark. Naglalakad kami ngayon papuntang mall, nasa loob lang ng village yung school, tapos yung mall sa labas lang ng village.

"Wala lang." Tumawa ako. "Sige na tumabi ka na kay Luvvi."

"Tss. Nakakapagtaka 'no? Parang nung nakaraan lang ikaw kinukulit niya, tapos ngayon iba na."

Umirap ako. "Minsan talaga walang preno bibig mo e 'no?"

Tumawa siya. "Ano? Kaya mong tignan?"

"Tss. Oo naman." Pagmamayabang ko. Nilingon ko si Bruce na nakaakbay kay Kiara. Pinapagulo niya ang isip ko.

"Okay." Nginitian niya ako bago tumabi kay Luvvi.

Bigla namang tumabi sa akin ang nakabusangot na si Krym. Sira na nga araw ko, lalapitan pa ako ng may sirang araw rin.

"Nat panget raw ako sabi ni Kiara." Dabog niya.

Halos lumakas ang tawa ko. "Dahil doon nakabusangot kana riyan?! Bakit? Hindi mo ba matanggap?" Inasar ko siya lalo.

"Sabi mo naman hindi ako panget, tapos mas gusto niya pang lumalapit kay Bruce." Maktol niya.

Natawa ako at biglang nahinto. Teka... "Bakit? May crush ka ba kay Kiara?" Tanong ko.

"Huh? Wala kaya!" Tanggi niya.

"Eh kung wala pala bakit mahalaga opinyon niya sa 'yo? Kung panget ka para sa kaniya, edi huwag mo pakialaman."

"Ewan ko sa 'yo!" Ngumuso siya. Buang.

Nasa unahan si Luvvi at Fuchsia, sa likod nila ay si Bruce at Kiara, sa likod ay si Kian at Kristel, tapos sa likod si Clark at Kevin tapos pinakadulo kami ni Krym.

"Ano ba kasi! Dikit ka ng dikit!" Nagdadabog si Kris habang naglalakad kami.

Napailing nalang ako. Hay nako. Kung hindi lang sila magtatampo, hindi na ako sasama.

"Parang hindi ka pinansin ni Bruce?" Tanong ni Krym.

Nagkibit balikat ako. "Parang hindi nga e."

"Bulok ka talaga sumagot." Aniya.

"Hindi naman kasi talaga." Singhal ko.

"Huwag ka ngang tumahimik, Nat. Hindi ako sanay." Aniya.

"K." Boring kong sagot.

Hanggang sa makarating kami sa mall, buti naman, ang sakit na ng paa at tiyan ko.

Agad akong humiwalay sa kanila nang makapasok na. Dumiretso agad ako sa food court dahil gutom na ako. May mga kasama naman sila at may kaniya kaniyang mundo, hindi naman siguro nila ako mapapansin.

Bumili ako ng limang pirasong siomai at limang pirasong kwek-kwek at bumili ng gulaman.

Habang kumakain ay narealize ko na hindi ko papala naranasan magshopping mag-isa, may pera naman ako, parang gusto kong bumili.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon