Chapter 36: Achieving

1.1K 41 3
                                    

"Tigilan mo nga ako, Zen. Ang sabi ko, ayaw ko pang umuwi, okay?" Inis kong sabi.

Tinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko at tumawa. "Okay, hindi naman kita pinipilit, ah? I'm just asking."

Tinarayan ko siya at nauna nang maglakad. "Kahit na, binabanggit mo pa rin."

Tinawanan na lang niya ako. Apat buwan na simula ng lumabas ako sa hospital, medyo ayos na ako ngayon. Pero simula nang mangyari iyon, mas nagkatime sa akin si kuya Kid at mas lalo akong binabantayan ni Zen ngayon, kung noon palagi na siyang nakasunod sa akin, ngayon yata masasabi ko nang buntot ko na siya dahil dito na rin siya natutulog. Ang malala pa roon, katabi ko siya!

Inislide ko ang card ko sa pinto namin at pumasok na.

"Ouch!" Sigaw niya nang matamaan ko ng pinto.

Hindi ko siya pinansin at nilapag na lang ang bag sa upuan.

"Huwag kang tatabi sa 'kin ha, naiinis ako sa pagmumukha mo." Sabi ko.

"What?! It was just a joke, don't make it serious." Agad na depensa niya.

"Tse!" Sigaw ko.

"Seriously?! Tatabi pa rin ako bahala ka." Ayaw niya magpatalo.

"Edi lolockan kita!" Sigaw ko at tumakbo sa kwarto, agad rin siyang tumakbo. "Aaaa!" Agad kong sinara ang pinto.

"Sha! Please?" Kinatok niya ako.

"Manahimik ka, ang ingay mo." Sabi ko. Mabuti naman at nanahimik rin siya. Ewan ko ba diyan ayaw nang natutulog na mag-isa. Eh, roon naman sa kanila, mag-isa lang siyang natutulog, e. Hindi naman umuuwi rito si kuya, dapat roon na lang siya natutulog.

"Zen!" Inuwang ko ang pinto at sumigaw.

"What?!" Sigaw niya rin, tumayo siya at pinuntahan ako.

"Sa kwarto ka na lang ni kuya matulog." Sabi ko.

"Okay, basta huwag kang maglolock." Sagot niya at bumalik sa sala.

Gaya ng sabi niya hindi ako naglock. Sinara ko na lang ang pinto at pumasok sa C.R. para maligo.

Nagbihis lang ako ng pajama. Siya na naman ang naghatid sa akin sa school, noon sundo lang, ngayon may hatid na.

Nang makapagbihis ay nag-cellphone na ako. Siyempre, last year lang binigay sa akin ang cellphone ko. Hindi ako nag-oopen ng mga message, hindi rin ako nag-oonline sa social media accounts ko. Ewan ko, feeling ko anytime, may makikita akong hindi ko magugustuhan.

Pero... gusto ko siyang makita, ano na kaya ang hitsura niya ngayon? Nag-mature na kaya siya? Mas naging gwapo? Siguro... may girlfriend na siya ngayon, ako kaya.... namimiss ba niya?

Napabuntong hininga ako at mariing pumikit. "Bakit ba hanggang ngayon ikaw pa rin ang iniisip ko? Ginusto kong iwan ka dahil napaka-immature nating dalawa pero.... bakit parang nagsisisi pa ako?"

May dapat ba akong pagsisihan?

"Wala kang dapat pagsisihan." Narinig ko ang boses ni Zen at umupo sa tabi ko.

"Andiyan ka pala." Puna ko.

"Kanina pa, actually. Pero seriously? Nagsisisi ka?" Pa-insulto niyang tanong.

Bumuntong hininga ako. Alam naman ni Zen na may naging ex na ako, alam niya na hanggang ngayon para pa rin akong tanga na iniisip si Bruce. Siya ang pinagsasabihan ko, ayaw ko naman talaga magkwento pa tungkol sa past ko, makulit lang talaga siya at napilit ako.

"Ewan ko. Bigla bigla na lang siyang pumapasok sa utak ko, Zen." Umiling ako at gustong umiyak pero walang luhang gustong lumabas.

Natawa siya at pinisil ang pisngi ko. "You're so cute. Stop crying, you look ugly."

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon