Chapter 18: Ready

1.2K 49 7
                                    

Kinabukasan ay nagpractice na kami, ang swerte nga lang dahil si Clark ang nakapareha ko, masaya ako pero siya hindi.

"Ano ba 'yan, ako dapat yung babae e!" Pag-iinarte niya.

"Oo na, oo na. Ako na magpapakalalaki para sa 'yo, akin na itlog mo." Tinarayan ko siya.

Tumawa nalang siya. "Gusto ko pa naman ng prinsesa effect." Aniya.

"Saka na kapag may prince charming ka na." Sagot ko, tumawa nalang kami at sinunod ang kung ano anong inutos at pinagawa sa amin. Nasa isang tatlong rin kaming ganoon, nagsasayaw nang nagsasayaw. Pagtapos ng practice sa JS prom ay finals na.

Next week na ang finals kaya panay ang pagreview ko. Hindi na rin ako nahirapan dahil nabasa kona iyon lahat, natest na rin namin iyon. Inuulit ko lang ulit basahin para mas lalo pang magsink-in sa utak ko.

May kumatok sa kwarto. Hindi ko na iyon nilingon at sumigaw nalang ng. "Pasok!"

"How's your study?" Napahinto ako sa ginagawa nang marinig ang boses ni papa!

Agad rin akong nakabawi pero taka parin sa presensya niya. "Okay lang po." Sagot ko.

Andito lang ba siya para itanong sa akin 'yon?

"Good to hear that. Mabuti at hindi mo napabayaan." Aniya.

"Opo." Medyo nasaktan ako dahil inaasahan kong kakamustahin man lang niya ako.

"Mabuti pa ang paglalaro mo ay hindi mo pinabayaan, pero iyang kalusugan mo ay pinapabayaan mo na."

Nagulat ako nang sermonan niya ako..

"Uh..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Ayos lang naman po ako... Kaya ko naman pong magpataba ulit."

Tumango siya, walang emosyon. Halatang may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya nalang sinabi pa. "Study well." Iyon lang at umalis na siya sa kwarto ko.

Medyo gumaan ang loob ko, kahit papano ay masaya na ako sa ganoong kamusta nila sa akin. Kahit pa may halong sermon ayos lang sa akin. Hindi naman kasi ako galit sa kanila, wala akong galit o sama ng loob sa kahit kanino.

Ayon lang ang binasa ko, lahat naman ay napasa ko na. Iyong iba lang ang malelate ang pasa, masiyado ko kasing sinabay sabay ang lahat noong nakaraan, minsan kasi kapag may oras ay talagang tinatapos ko na.

Bakit mo pa ipagpapabukas kung may oras ka pa naman?

Kaya ngayon, ang mga kaklase ko ay nahihirapan magpasa, natataranta dahil sa duedate na ibinigay. Ako safe na, relax at review nalang.

Binasa ko iyong mga importanteng words, at tinandaan ang bawat keywords sa meaning noon. Nireview ko rin iyong mga lumabas sa long test namin noong nakaraan, sigurado akong lalabas rin 'yon sa finals next week.

Kinabukasan ay ganoon parin ang nangyayari sa buhay ko, pasok sa school, kain, aral, review, kapag may oras, mag-uusap or magkikita kami ni Bruce.

Hanggang sa bukas na ang prom. Maikli lang naman ang sayaw namin. Alam na rin ni Bruce kung sino ang partner ko, nung una ay nagmaktol pa siya pero wala ring nagawa dahil nabadtrip ako.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon