Chapter 26: Lean

1.2K 40 2
                                    

Warning: This chapter may spoil some scene in the movie of 365 Days and No one will sleeps in the woods tonight.

---

"Shh.. Don't cry bub, I'm here now." Kiniss niya ako sa noo.

"Bruce... Pakiramdam ko, ako may kasalanan, feeling ko sa akin lahat ng sisi. Yung anak ni nanay Marta, galit sila sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko." Natatakot kong sabi.

"No, it's not your fault, okay? Don't think that. Whatever happens, it's not your fault, okay?" Pampalubag loob niya sa akin.

Pumasok kami sa kotse. Pinunasan ko ang luha ko at kinalma ang sarili.

"Bub, hatid mo na ako sa bahay." Sabi ko.

"How are you, huh?" Tanong niya at hinawakan ang pisngi ko.

Ngumiti ako. "Wala 'to. Sige na, late na tayo, oh."

"What? Huwag ka na pumasok." Sabi niya.

"H-Huh? Hindi pwede- magbabayad ako ng field trip." Sabi ko.

"No. Take a rest." Utos niya.

"Eh paano yung-"

"Sasama ka pa rin ba bukas? Are you sure, you're okay?" Tanong niya.

Tumango ako. Umasa sa akin si Clark, e.

"Ako na magbabayad sa 'yo. Magpahinga ka muna today. You need energy for tomorrow." Utos niya.

Tumango ako at maliit na ngumiti. "Thank you, ay, si Clark ililibre ko siya. Paabot nalang muna-"

"Ako na bahala. Take a rest."

"Huy, ang mahal nun, ibibigay ko-"

"No worries. I love you." Sagot niya, hindi na ako pinasingit pa.

"Bruce, mahal nga 'yon." Pero hindi niya ako pinapakinggan. "Okay, thank you." Singit ko.

"You're welcome, I love you." Nginitian niya ako at hinatid na sa bahay.

Bababa na sana ako pero hinawakan niya ako. "What happened in your nose?" Tanong niya.

Sinapak ako ni papa.

Umiling ako. "Nadulas ako padapa." Pagdadahilan ko.

Tinitigan niya ako. "Hey, tell me, it's okay."

Umiling ako. "Nadapa nga ako!"

Hindi ko pwede sabihin sa 'yo, hindi pa ako handa sa magiging desisyon mo.

Tumango siya. "You'll be fine. I will get you after lunch." Aniya.

Tumango ako. "Hintayin kita."

Pagkababa ko ay napatingin sa akin sila ate Loren.

Wala nang babati sa akin, wala nang magluluto gaya ng sarap sa luto ni nanay Marta. Wala nang maglalambing sa 'kin.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon