Chapter 2: My Captain

3.4K 164 26
                                    

"Hi Mom." Hinalikan ni Bruce ang mommy niya sa pisngi.

Gagi ang ganda ng mama niya.

"Wow. So sila yung friends mo?" Tanong ng mama niya.

Umayos ako ng tayo, mabuti nalang nasa gilid ako, nasa gitna si Luvvi.

"Yung isa po hindi friend." Bulong ni Krym. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang kulit!

"Ah mom. Sila yung bago kong ka-team mates sa basketball, my friends. This is Luvvi, our main MVP. And this is Kian and Krym and this is my Captain, Natasha.

Sa akin nahinto ang mata ng mama niya. Gagi mama huhu... Pero ano raw?

My captain...

"Wow so, your captain is a girl? What a cool captain." Humahanga ang matang sambit ng mama niya.

"Ah... Good afternoon, po." Magalang kong sabi.

May binulong si Bruce sa mama niya dahilan ng mas lalong paglawak ng ngiti nito.

Hmp! Siguro nilait niya ako at natawa ang mama niya!

"Oh nice to meet you all. Take your sits." Alok ng mama niya.

Syempre pinauna ako maupo nila Kian kahit ako ang nasa dulo.

"Tss kala mo naman mga gentleman." Bulong ko.

"Hindi kami gentleman, nahihiya lang kami mauna umupo. Ikaw kasi makapal mukha." Sambit ni Krym.

"Ay pumapalag ka pa." Dumukwang ako at inabot ang ulo niya para mabatukan---

"What do you guys want to eat?" Biglang alok ni Bruce kaya umayos ako ng upo. Walang sumagot samin.

Humalakhak si Bruce. Shet ang pogi pati pagtawa. "Come one guys, don't make it awkward. Just feel at home."

Bigla nalang nagsipag-ingay ang mga ka-team ko. Jusmiyo.

"Pizza na lang, brad." Saad ni Ki.

"Kahit bread with nutella, ganon." Hiling ni Krym.

"Sapat na sakin mango shake, Bruce." Sagot ni Luvvi.

Nagtataka akong tumingin sa kaniya, bakit hindi pa siya umaalis. Pinagtaasan ko siya ng kilay at nagsalita ng "what?" sa walang ingay.

Tumaas ang sulok ng labi niya. Ampogi! "What do you want, my Captain?" Tanong niya.

Bwisit na my captain 'yan.

"Ehem. Hindi naman ata pwede 'yan, Brad." Parinig ni Krym.

Loko talaga isang 'to.

Lahat pala sila.

Este lahat kami.

"O-u-r Captain. Our captain, brad." Ani Luvvi.

"Wew." Sipol ni Kian.

Umiling ako at natawa. "Mga kumag talaga kayo."

"Tsh. So what should I--

"Kahit ano." Sagot ko.

Ayoko naman kasi magdemand, nakakahiya.

"Sige na, Nat! Para namang bago sayo mangburaot. Bakit roon kila Luvvi masungit mama niya pero nagawa mo pa mag-request ng pagkain tapos kila Bruce nahihiya ka." Kutya ni Krym.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Walang bukingan!

"Hoy loko ka Krym tatamaan ka sa 'kin. Hindi masungit si Mom, strikta lang 'yon. Ang tipo kasi ni Mom, ay mga mahinhin." Pag-tatanggol ni Luvvi sa mama niya.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon