Chapter 38: Still?

1.2K 40 5
                                    

Tuesday, Thursday, Saturday ang schedule ko sa Rising International School. Monday, Wednesday at Friday naman ang school days ko sa Medical College of Beijing.

Anim buwan na rin akong nagtuturo sa school, mag-lilimang buwan naman sa med school, isang buwan na lang at matatapos na ang pag-aral ko sa med. Ang sabi ni kuya after daw ng course na 'to, pwede na ako mag-apply sa kahit anong hospital dahil second naman na raw 'to. Paano, inenroll niya ako sa med school na puro matatalino at sagad sagad kung magturo sa isang araw, parang isang buwan equivalent na sa dalawang quarter ng lesson. Paano, ako rin naman ang naghiling niyon, ang sabi ko kasi ayaw ko tumanda habang nag-aaral at gusto ko na agad matapos sa pag-take ng course na 'to. Ayon, naalala kong kaya niya pala gawin lahat, kaya sa MCB niya ako inenroll. Maganda na rin naman 'yon, dahil mapapadali na. Hindi naman ako napi-pressure masiyado dahil bukod sa sanay na ako, may time management ako at lahat ng activity, once na binigay, tinatapos ko agad. Syempre, hindi ko kinakalimutan ang mag-aral ng lesson for biology, hindi ko pinapabayaan ang pagtuturo ko. Kaya ngayon sanay akong nagpupuyat at sanay akong kulang ang tulog. Sunday lang ang rest day ko at legit na rest day dahil tulog ako buong araw.

"Magrireview muna ako, huwag mo akong kulitin, please." Sabi ko habang nakatutok sa libro. Next day na ang interview ko dahil nakapasa ako sa exam noong nakaraan sa hospital na pinag-applyan ko.

Tangina, ang hirap pala maging doktor.

"Okay. Sungit, iwan ko na lang dito kape mo. Kaninang umaga ka pa diyan, mukhang umaga ka rin matatapos, 'yan din tatapos sa 'yo." Saad ni Zen.

Tinarayan ko na lang siya. "Sa tingin ko rin." Sagot ko, kanina niya pa ako pinipilit matulog, akala niya ganito kadali iwan ang gawain, lol.

Nang makaalis siya ay patuloy pa rin ako sa pagbabasa ng librong mas makapal pa sa mukha ni Kevin.

Hina-highlight ko iyong mga mahahalagang salita pero halos sakupin ko na ang isang page dahil mahahalaga naman lahat!

Alam ko namang hindi madali mag-doktor pero hindi ko naman inexpect na ganito kahirap. Obligado kang hindi matulog, gano'n ba 'yon. Yawa.

Mabuti at magaling ako sa memorization, sanay ang utak ko mag-memorize, kaya kahit ilang linggo na akong walang maayos na tulog ay nakakapasok sa utak ko lahat ng binabasa ko at hindi lumalabas. Iyon ang importante, ang matandaan ko lahat ng binabasa ko, dahil sayang ang pagbabasa mo kung wala ka namang natandaan, magbigti ka na lang.

Ilang linggo na akong nagrireview, dahil nga matapos na ang course ko sa meds, mabuti at nakapasa ako sa exam. Kahit nakapasa, hindi ako dapat makampante dahil sa interview mas marami ang itatanong sa akin.

Nanghingi na rin naman ako ng mga advices sa mga doktor na kakilala ko kaya medyo hindi ako nininerbyos, natatakot lang ako na baka hindi ako makapasa.

Nang sa wakas ay natapos ako sa reviewer ko nang alas tres ay agad akong humilata at natulog. Alas sais ako nagising at para akong nakalutang sa ere at hindi pa alam ang ginagawa.

"Ayan, doktor pa." Pang-aasar ni Zen.

Humikab ako at umupo muna sa upuan. "Inaantok pa ako." Gustong gusto ko pa matulog, pwede bang huwag pumasok.

Siyempre joke lang.

Tumayo ako kinain ang almusal na niluto ni Zen. "Mabuti ka pa 'no, ang laki ng kita kahit walang ginagawa." Sabi ko.

Ngumisi siya. "Asawahin mo na lang kasi ako, para madamay ka sa biyaya-"

"Sira ulo." Sabi ko na lang, binilisan ko na kumain at agad na naligo at nagbihis.

Hinatid ako ni Zen sa Rising International School. Hindi ako nagpasalamat at kinawayan na lang siya. Agad bumalik ang wisyo ko dahil sa kabalagbagan ng lalaking 'yon.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon