Chapter 6: Mommy's Boy

2.3K 99 10
                                    

"OMG! You're so pretty!" Agad akong niyakap ng mama niya nang makarating kami sa bahay nila.

Nailang ako sa ginawa niya at nahalata ni Bruce ang ekspresyon ko kaya inalis niya ang braso ng mama niya na nakapulupot sa braso ko.

"Mom, stop it. She feels embarrassed." Ani Bruce.

Sumimangot ang mukha ng mama niya at ibinalik ang pagkakayakap sa braso ko. "No."

"Mom--

"Honey, let's go the gown is ready!" Pumalakpak ang mama niya at pinapasok ako sa isang room. Hindi niya pinansin si Bruce, natawa na lang ako.

Akmang papasok rin si Bruce sa room nang itulak siya ng mama niya.

"What the heck, Mom?" Aniya.

Umiling ang mama niya. "No, son. Stay here."

Bumuntong hininga na lang si Bruce at sinulyapan ako bago naupo sa couch na nasa harap ng pinto.

Pasimple kong inamoy ang sarili ko. Hindi naman ako mabaho, hindi rin pinawisan sa aircon na sasakyan nila Bruce.

"Come here, honey. Susukatan ka namin ng gown!" Pinaupo ako sa high chair. May isang magandang babae roon na mukhang fashion designer.

"You'll be my son's partner so you should be the prettiest on his birthday!" Kitang kita ang sabik sa mama niya.

Napangiti ako. Napakaswerte ni Bruce at may magulang siyang ganito. Sana ganito rin ang nanay ko, hindi ko mapagkakailang napakabait niya. Maski sa 'kin unang kita pa lang ay gusto niya na raw ako.

Tinitigan ng fashion designer ang katawan ko bago kumuha ng gown na nakahanger. "This one will fit, Ma'am."

Pumalakpak ang mama niya. "Great!" Tumakbo ang mama niya palapit sa 'kin, kusa na akong tumayo.

Inabot niya sa 'kin ang pulang gown na may slit sa legs. Hindi pa ako nakakasoot ng gano'n, hindi ko alam kung magiging komportable ba ako roon pero susubukan ko na lang.

"This is the elegant burgundy one shoulder slit ruched long formal dress, Ma'am." Sambit ng babae.

Tumango ang mama ni Bruce at sinamahan ako sa fitting room. Hindi ko pa sinusukat dahil nasa tabi ko pa rin siya.

"Let's go and change your clothes!" Doon ko nalaman na sasamahan niya ako magbihis!

Hindi ako nakakilos. "Hey honey. Come on."

"A-Ah, bibihisan niyo po ako?" Naiilang kong tanong.

"Oh." Humalakhak siya. "Are you uncomfortable with me? Don't be!" Umaktong malungkot ang mama niya.

"A-Ah hindi naman po sa ganoon-"

"Or kay Bruce ka komportable?" Pilyang ngumiti ang mama niya.

Natigilan ako, bago pa man makapagsalita ay inunahan niya na ako.

"Don't worry, I'll call him."

"Ma'am-"

"Son!" Sigaw ng mama niya!

"Why mom?" Sumilip si Bruce sa pinto.

"Samahan mo si Natasha magbihis-"

Agad kong binawi ang sinabi ko. "Ah, Ma'am. Ayos lang po kung kayo." Nginitian ko siya.

Agad namang nakabawi ang mama niya at tinalikuran si Bruce saka ako hinarap.

Naka-sports bra naman ako at may cycling kaya ayos lang rin. Hindi lang talaga ako sanay na may tumitingin sa 'kin habang nagbibihis ako.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon