Chapter 29: Fearful

1.1K 38 2
                                    

"Kumain ba sila, ate Loren?" Tanong ko sa isa naming helper, nakabihis na ako dahil papasok na ako maya maya.

"Yes ma'am. Kumain na rin kayo." Nginitian niya ako.

Ngumiti rin ako. "Huwag na po, una na po ako." Sabi ko.

"Ilang araw ka nang hindi nag-aalmusal rito, natnat." Boses ni kuya Kid ang narinig ko.

Umiling ako. "Ayaw ko, kuya." Iyon na lamang ang sinabi ko. Bakit pala siya rito? Wala ba siyang aasikasuhin?

"Kumain ka na, huwag matigas ang ulo." Sabi niya.

Walang gana akong pumunta sa kusina. Ayaw ko ng lasa, sanay ako sa luto ni nanay Marta, iyong timpla niya ang hinahanap hanap ko, fifteen years old niya akong pinagsilbihan, siya ang nagluluto ng makakain namin simula nang pinanganak ako, kaya ang hirap kalimutan ng mga luto niya. Pero gusto ko namang i-appreciate ang luto ng mga helpers. Inubos ko iyong pagkain na nakasalin sa plato ko bago magsepilyo at kuhain ang bag.

Sinukbit ko iyon sa likod ko. Maglalakad na sana ako palabas pero nagsalita si kuya Kid.

"Hindi ka ba magbaba-bye kay kuya?" Tanong niya.

Nilingon ko siya at maliit na ngumiti. "Bye,kuya. Alis na 'ko." Sabi ko.

"Nagtatampo ka ba kay Kuya?" Tanong niya.

Ngumiwi ako at umiling. "Hindi 'no."

"Really? Hindi mo ako pinapansin this past few days." Aniya.

"Eh ngayon nga lang kita nakita this past few days, e." Pamimilosopo ko. Wala nga siya rito noong umiyak ako at kailangan ko ng karamay 'di ba? Wala nga siya rito noong sinaktan ako ni mama at papa, wala siya rito noong nasaktan ako sa pagkawala ni nanay Marta. Hindi naman ako nagtatampo sa kaniya, e. Alam ko namang busy siyang tao at maraming inaasikaso.

"Okay then, hug your kuya." Lumapit ako at saglit siyang niyakap. "Take care." Aniya. Tinanguan ko nalang siya at lumabas na.

Ah, hindi ko papala napapakilala sa kaniya si Bruce.

Ang sabi ko kasi, tsaka na ako magbo-boyfriend kapag disi-otso na ako, anong nangyari at kinse pa lang ako may boyfriend na ako.

Nang makalabas ay saktong pumarada ang abong kotse ni Bruce. Agad akong sumakay roon.

"Akala ko hindi ka na papasok." Sabi ko pagtapos niya ako halikan sa noo.

Ngumiti siya. "Good morning. Totoo, ayaw ko na pumasok, I just want to see you kaya pumasok pa rin ako." Sabi niya.

"Ah okay. Pwede ka namang hindi pumasok, may pamasahe naman ako." Sabi ko.

"Kung sa 'yo okay, sa 'kin hindi." Aniya.

Natawa ako. "Grabe, nakakapagod 'no?" Sabi ko.

"Yeah. By the way, ikaw? Bakit pumapasok ka pa? Well, masipag ka pala. I almost forgot." Humalakhak siya.

Ngumiwi ako. "Naghihintay lang ako ng award, pero ayaw ko na rin pumasok." Sabi ko.

"Oh, I remember, matalino nga pala 'yung girlfriend ko." Ngumisi siya.

"Pustahan tayo, may top ka rin." Sabi ko.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon