Chapter 49: Until Afterlife

1.5K 47 1
                                    

"Anong oras ka umuwi kagabi?" Tanong ni mama.

"Mga 11:30 po." Sabi ko at inubos na ang pagkain.

Tumango lang sila. "Kasama mo ba si Bruce Vin?" Tanong ni mama.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. "Opo ma." Sagot ko.

"Pupuntahan namin bukas ang public school mo sa Masbate, makakasama ka ba?" Tanong ni papa.

"I will try, pa. Aalis po muna ako ngayon. Excuse me." Sabi ko at tumayo.

Tapos na ako maligo kaya nag-tooth brush lang ako pagtapos at nagpalit ng damit. Medyo malamig ang panahon ngayon, magpapasko na kasi, kahit umaga ay medyo makulimlim pa. Sinoot ko ang tokong kong maong at tinuck-in ang puting round neck t-shirt doon. Kinuha ko ang islander kong tsinelas at sinoot 'yon. Habang tinatali ang buhok ko sa ponytail ay pumasok sa kwarto ko si kuya Kid.

"Kuya." Pagbati ko. Umeedad na rin pala si kuya, hindi ko napapansin. Pero gwapo pa rin siya.

Umupo siya sa kama ko. "I know that you and Bruce are getting along well again." Panimula niya.

Kinuha ko ang pulbos sa bag ko at sinulyapan siya. "Opo, kuya." Sagot ko.

Ano naman kaya ang pinapahiwatig niya?

"Kuya, diretsuhin mo na ako." Sabi ko. "Bakit, ano bang meron?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim. "I have a favor to you. This is a very awkward favor." Sabi niya.

Napaupo ako sa tabi niya. "Ano ba 'yan, kuya? Nakakatakot ka naman."

Natawa siya. "No.. Well, it's still depends on you, kung ayaw mo, wala naman akong magagawa."

Napasimangot ako.

Natawa siya ulit. "Our parents wants to be a grandparents already. Gusto kong bigyan mo na sila ng apo."

"Ano?! Ano 'yun, mag-aanak na ako?" Tanong ko.

"Well, parang gano'n na nga." Sabi niya.

"Kuya, okay na kami ni Bruce. Pero parang hindi pa ako handa sa mga ganiyan 'no! At saka parang dati lang, sinasabi mo na huwag akong magjowa ah?" Sabi ko.

"Hindi mo naman sinunod." Aniya.

Napangiwi ako. "Ikaw na lang! Matanda ka na kuya, wala ka pang jowa, ikaw na lang ikaw naman nakaisip, e."

Depende na lang kung...

Hindi naman siguro 'no?

"Hindi ka naman siguro baog, kuya, 'di ba?" Tanong ko.

Natawa siya. "I'm not. It's just that..." Umiling siya. "Wala na akong gana pa maghanap ng babae." Maliit siyang ngumiti.

"Bakit kuya? Nasaktan ka na ba? Kailangan mo ng pamilya!" Sabi ko.

Ngumiti siya. "I'm too busy para sa ganiyang bagay."

"Hindi naman sagabal 'yon, ayaw mo 'yon? Pag-uwi mo sa trabaho makikita mo ang asawa mo." Sabi ko.

Napahalakhak na lang siya. "I am already contented to see you and Pamela happy and end up to the right man. " Sabi niya.

Napangiti ako. "Paano ka, kuya?"

"Don't worry about me. I can still be happy." Ngumiti sa 'kin si kuya Kid.

"Eh, kuya... Hindi ko nga alam kung gusto maging tatay ni Bruce." Sabi ko.

Napangiti siya. "So, you mentioned him. That's mean, siya ang gusto mo? I mean, siya pa rin?"

Hinampas ko siya at tumayo. "Una na nga ako, inaasar mo lang ako, e!"

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon