Chapter 10: Barrier

1.6K 65 6
                                    

Paguwi ay nakasalubong ko si mama. Agad ay sinampal niya ako...

"Napakabalasubas talaga ng ugali mong bata ka. Sinuway mo na nga ang gusto ko tapos pati ba naman dito?!" Bungad niya.

Napahawak ako sa pisngi ko at agad na umiyak. Ang sakit...

"Ma akala ko, wala kayong pake sa... kung anong gawin ko..." Sagot ko habang nanginginig.

"Wala talaga kaming pake sa 'yo! Nagagalit ako dahil hindi ka nalang magfocus sa pag-aaral mo? Nagbasketball kana, magbo-boyfriend ka pa? Ha!?" Sinampal niya ako ulit.

"Aaa, maaa." Humagulgol ako sa pag-iyak.

"How dare you! Hindi ka namin pinagdadamutan sa pinansyal mo dahil para iyon sa pag-aaral mo, tapos ano? Nagawa mo pang magboyfriend!?" Aniya. Hindi pa kami tila hindi na siya sang-ayon.

Walang tigil ang tulo ng luha ko. "Ma... Pera lang 'yon, kaya kong mag-aral ng walang pera, Ma. Kahit... suporta lang, sapat na 'yon sa 'kin." Humagulgol ako sa pag-iyak.

Ang sakit...

Ang sakit itago ang sama ng loob sa sarili mo, ang bigat sa pakiramdam.

Sinampal niya ako ulit.

Ma... tama na. Ang sakit na....

"Ayaw kong suportahan ang babaeng sinusuway ako! Sinong tanga ang gagawin 'yon, ha?" Sobrang tagos sa puso ko ang lahat... lahat ng sinasabi niya.

"Ma, pangarap ko 'yon. Hindi ko naman napabayaan ang pag-aaral ko ah? Hanggang ngayon pa rin ba iyon pa rin ang problema mo sa 'kin? Hindi naman bumababa ang grado ko!" Hinang hina na ako at nanginginig. Ang sakit... sobra. Bakit ba hadlang sila sa paglalaro ko ng basketball?!

"Hindi ba sinabi ko naman sa 'yo na iwan mo 'yan dahil wala kang mapapala sa kakalaro mo diyan!" Nangangalaiti siya sa galit.

Hindi ko kayang isuko ang gusto ko... Mahal ko ang ginagawa ko, hindi ko kayang iwanan iyon.

"Walang mali sa ginagawa ko, kaya walang dahilan para ihinto ko ang paglalaro."

Sa sobrang inis niya ay hinagis niya sa akin ang hawak niyang tasa.

"Aray! Ma... tama na." Napaluhod ako at pinulot ang bubog habang umiiyak.

"Sana hindi nalang kita binuhay!"

Natigilan ako at napaawang ang labi. Nilingon ko siya ngunit nakapasok na siya sa bahay.

Paano niya nagawang sabihin iyon sa akin? Paano niya nasabi iyon sa anak niya ng harap harapan?

Hindi mapangalanan ang sakit na nararamdaman ko.

Tinapon ko ang mga bubog sa barusa at bagsak balikat na pumasok sa bahay.

Agad naman akong umakyat, wala na akong ganang maligo pa... Gusto ko na lamang ay mahiga... at magpahinga.

Pagpasok sa kuwarto ay nagulat ako nang makita si Kuya Kid. Agad nangilid ang luha ko nang salubungin niya ako ng yakap. Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya. Sunod sunod na lumandas ang luha sa pisngi ko.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon