Chapter 3: Invitation

2.8K 117 10
                                    

"Take care, Mommy." Narinig ko ang boses ng kapatid kong si Pam na kumakaway kay Mama.

"Bye baby, love you." Niyakap siya ni Mama samantalang ako ay sinulyapan lang bago sila umalis.

Tumalikod na rin ako at pumunta ng kusina para mag-almusal. Nagtimpla ako ng milo at kumuha ng pandesal na may bacon.

"Mabuti naman at hindi ka na umiiyak sa tuwing--" Boses ng mayordoma ang nangibabaw.

Agad ko siyang nginitian. "Huwag na po nating pag-usapan 'yon."

"Ayos ka na ba hija?" Tanong niya at umupo sa tabi ko habang pinagmamasdan ako.

Mayordoma lang ang maaring sumama sa hapag dahil siya pa lang ang pinagkakatiwalaan ng masungit kong nanay.

Tumango ako. "Oo naman, po. Ano namang bago 'di ba? Para saan pa ang iyak ko kung uulit rin naman."

Bumuntong hininga siya. "Kung nasasaktan ka, huwag mong pigilan. Kailangan mong ilabas ang sakit."

Tumango ako. "Opo, lola."

Malungkot siyang ngumiti. "Simula bata ka, ako ang nag-alaga sa 'yo."

Ngumiwi ako. "Syempre, ikaw lang ata nagmamahal sa 'kin dito--

Agad niya akong tinapik. "Huwag mong sabihin 'yan. Sa totoo nga lang e humahanga ako sa 'yo. Hindi ka lumaking puno ng inggit at hindi ka lumaking balasubas kahit nasasaktan ka sa kanila. At higit sa lahat, kaya mong magpasaya ng tao kahit sarili mo ay hindi mo mapasaya."

Ngumisi ako. "Hayaan na natin 'yon, Ayaw ko pong pag-usapan iyon." Lumapit ako sa kaniya at bumulong. "Basta nasa tabi kita, la." Ngumiti ako

Humalakhak siya. "Nako ikaw talagang bata ka, kapag may nakarinig niyan naku."

Tumawa ako. "Wala naman, nay. At saka wala akong pake kung marinig nila." Ngumiti ako ng malaki.

"Hay nako, sige na ubusin mona 'yan at ihahanda ko na ang susuotin mo." Ngumiti siya at umakyat.

Nanay ang tawag ko kapag kaming dalawa lang dahil makikialam ang nanay ko pag nalaman niya. Si nanay ang laging andiyan para sa akin. Ayaw ko nga ng pinagsisilbihan pero dahil sa kaniya ay nagiging senyorita ako rito.

Pagtapos kumain ay naligo na rin ako at nagbihis. Sinuot ko ang white long sleeve polo namin at red plain palda na may 2 pulgadang taas sa tuhod at pulang neck tie. Kinuha ko rin ang paper bag para ilagay ang black rubber shoes ko at pula naming jersey, nagdala pa rin ako ng extra t-shirt. Pagtapos ay sinuklay ko ang buhok ko at pinonytail gaya ng madalas kong itali. Bago isara ang bag ay sinilip ko muna ang notebook ko para sa assignment para tignan kung may hindi ako nagawa. Mabuti naman at nagawa ko kagabi pag-uwi.

Sinuot ko na ang black bag pack ko at binitbit ang paper bag bago bumaba.

"Nanay Marta, aalis na ho ako." Pagpapaalam ko sa mayordoma pero hindi niya ako narinig kaya lumabas na lang ako ng bahay.

Nagtaxi ako at tumungo sa school. Late na naman siguro ako makakauwi dahil sa practice, mabuti at nakahanap agad ng isang member na si Bruce at nakapag-simula agad kami.

Bumaba ako at nilagay ang paper bag sa locker bago pumunta sa room.

Nang makita ako ni Kristel ay nagpiggy back siya sa likod ko.

"Aray ko! Siraulo ka." Hinampas ko siya.

Tumawa siya. "Namiss kita! Nagcutting class ka kasi kahapon!"

Nilapag ko ang bag ko. "Wow! Excuse ako beh, gusto mo ikaw magpractice?" Nginiwian ko siya.

"Joke lang." Nagpeace sign siya at niyakap ako.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon