Chapter 1: First Crush

5.3K 179 19
                                    

Chapter 1: First Crush

"Mars! Kaloka naman ang gwapo naman no'n!" Tumili si Clark.

Pumunta kasi sila sa canteen kanina ng team mates ko para ipaalam ang biglaang training, ako ang captain kaya malamang alam ko na 'yon, 'diko alam kung nagbibida bida lang sila e. Syempre agaw pansin ang Bruce na 'yon, nagwapuhan sila malamang.

"Hindi siya gwapo." Singhal ko. Inis akong tumayo at bumalik sa room habang may hawak na isang C2.

Pagkapasok ay sinalubong ako ni Ma'am Trinidad.

"Magandang umaga po, Ma'm Tri--"

"Excuse ka sa class ko, Natasha." Ngumiti siya.

Ay gano'n? Tss.. Training na naman, makikita ko na naman si Bruce.

Hays.

Puso ko... kalma

Ano bang nangyayari kasi sa 'kin?

Naiinis na ako ha.

"Okay po ma'am. Salamat po." Nginitian ko rin siya pabalik at agad nawala ang ngiti ko nang tumalikod na siya.

"Hay nako, ayaw ko talagang nakikita ang lalaking 'yon." Bumuntong hininga ako at naglakad na papuntang faculty.

Nang nasa pinto na ay huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Alam niyo ba kung bakit ayaw ko siyang nakikita?

Dahil nang bumukas ang pinto at nakita ko siya ay...

Dug... dug... dug. Bahagya kong hinawakan ang dibdib ko dahil sa lakas ng kalabog niyon.

Hayaan na naman ang puso kong maingay. Mana sa 'kin.

Kaswal akong naupo sa gitna ni Luvvi at Kian. Pero ang walang hiya, hindi ako pinaupo. Sakto pang sa tabi ni Bruce 'yung may space, makakatabi ko tuloy siya. Pero walang nagbago, madaldal pa rin ako. Ganito naman palagi, 1 week na kaming nagtitraining, kay Bruce lang naman ako naiilang.

"Nasaan na si Krym?!" Malakas na tanong ko.

"Nasa labas pa." Sagot ni Kian.

"Eh si coach?" Tanong ko.

"What's up coconat nut!" Malakas na sigaw ni Krym pagkapasok na pagpasok sa room at malakas akong tinapik sa likod.

"Aray ko naman! 'Yung baga ko malaglag ha! Sasakalin talaga kita!" Sigaw ko at hinabol siya para hampasin din.

"Hindi 'yan malalaglag, nakakabit 'yan." Asar niya.

"Pwet mo nakakabit." Tinarayan ko siya at umupo ulit.

Pero wala pang minuto ay humagalpak ako ng tawa nang malaglag si Krym sa upuan.

"HAHA! Aaahh HAHAHAHAHAHA." Hawak ko ang tiyan ko at ang isang kamay ay nakaturo sa kaniya.

Lahat kami tumatawa pero sa amin ni Kian ang nangingibabaw.

"Hahahahaha- ehem ehem.... Aray ko, hahahaha-ehem." Naubo ubo ako at tawang tawa sa kaniya.

"Happy pill niyo talaga ako 'no? Yiee." Asar ni Krym.

"Awit Krym, bawas ego 'yan oooww." Pangaasar ni Kian habang natatawa pa.

"Isa pa Nat, ihahagis kita kay Bruce, ayieee." Sumimangot ako pero dinilaan lang siya.

"Ah, nadulas! Hahahahaha-"

"Good morning team. Aga aga Nat, ang ingay." Iyon ang sinabi ni coach pagkapasok.

"Hala, Coach? kapag maingay ako agad?" Tanong ko.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon