Chapter 25: Real Pain

1.3K 46 5
                                    

Walang tao sa chapel kundi kaming dalawa lang. Sabi ko naman kasi sa kaniya walang mass ngayon, pero may gusto ata siyang gawin.

Maingat niya akong hinatak papunta sa harap ng altar.

"Ano bang gagawin nati-"

"God, do you see this girl beside me? I will marry her soon. And I want to promise it with you." Nagulat ako sa sinabi niya.

Napaawang ang bibig ko nang malingunan siya. Hinawakan niya dalawa kong kamay.

"I, am Bruce Vin Hudson, promising you, Maria Natasha. That I will never leave you, I will never hurt you. I will protect you, and no one will hurt you hanggang nandito ako." Ngumiti siya.

Lumingon siya sa altar. "God, you heard me. All of these are true."

Nilingon niya ako. "Tash, even if you hold me loosely, I will hold you tightly. So just hold on me."

Ngumiti ako. "I love you."

"I love you more." Kiniss niya ako sa noo.

Nakangiti kaming lumabas sa chapel at naghanap ng makakainan.

"Tusok tusok tayo!" Yaya ko sa kaniya at hinatak siya sa kalsada.

Bumili ako ng kwek kwek at kikiam saka iyon pinatikim sa kaniya.

"Hmm, it's delicious." Komento niya kaya iyon ang binili namin. Tag isang malaking baso kami na may kwek kwek at kikiam, dinagdagan ko iyong akin ng okoy.

Five thirty na, nakaupo kami sa mga upuan dito sa Greenbelt Garden.

"Ngayon ka lang ba nakakain ng ganito?" Tanong ko.

Tumango siya. "Yup, my mom says some of them are dirty."

Ngumiwi ako. "Hindi naman lahat! Ang sarap nga kahit madumi e. Joke."

"Right, that's why I said some of them." Depensa niya. Oo nga naman.

"Grabe ingat na ingat sa 'yo si Tita Marianne 'no? Only child ka kasi e." Sabi ko.

Tumango siya at natawa. "She always treating me like a baby, she decides what I will wear or what I will buy. But not now, now she's getting mad if I can't choose my own shirts and I can't decide on my own." Natawa siya.

"Ang bait ni tita, ang swerte mo. Kasi 'yung iba kinokontrol nila ang anak nila, minsan ipinapagkasundo pa sa iba specially sa tulad mong only child." Sabi ko.

Nagkibit balikat siya. "I don't think so. Ikokontrol rin ako no'n ni mom, gusto ka lang talaga niya para sa 'kin."

Napangiti ako at hinampas siya. "Ikaw talaga. Hindi mo pa nga ako pinapakilala sa mama mo."

Tumaas ang kilay niya. "I have a plan, later I will-"

"Bukas na! Nakauniform pa ako oh!" Inis kong sabi.

"It's fine-"

"Bukas nalang, okay na 'yun." Pamimilit ko.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon