Chapter 39: Positive

1.5K 42 4
                                    

"Good luck, princess." Pagbati sa akin ni kuya Kid.

"Thank you, kuya." Sabi ko sa kaniya, lumabas na kami ni Zen.

Sumakay kami sa kotse at nagsimula na siyang magmaneho. "Hindi ka kinakabahan?" Tanong niya.

Umiling ako. "Slight lang. May tiwala naman ako sa mga inaral ko." Sabi ko.

"Ilang linggo kang nagpuyat, ewan ko na lang kung hindi ka pa makapasa." Pagbibiro niya.

Natawa ako. "Kapag nakapasa ako, ichachallenge kita." Paghamon ko.

"You can't fool me, Sha. Alam kong makakapasa ka, pero sige, papatulan ko na." Sagot niya.

"24 hours jowa challenge." Sabi ko. "Ano deal?" Tanong ko.

"Deal, but I have a challenge too." Sabi niya.

"Ha, ang duga mo-"

"Kapag nagawa ko ang challenge mo, makipagbalikan ka kay Bruce." Sabi niya.

"NO WAY!" Agad na angal ko. "Kung sino sino kaya pwede mong jowain!" Sabi ko.

"Edi, add more thrill." Hamon niya.

"Mag-jowa ka ng... Doktor!" Humalakhak ako.

"Sige, will you be my girlfriend-"

Binatukan ko siya. "Tigilan mo ako, syempre maghanap ka ng iba. Pilipina dapat ha!" Sabi ko.

"Okay, deal." Aniya

"Deal!" Sabi ko rin. Naalala kong hindi pala madali ang challenge niya sa akin at hindi iyon basta basta.

"Good luck, Maria Natasha!" Sigaw niya sa loob ng sasakyan.

Natawa ako at kinawayan siya. "Bye!"

Huminga ako ng malalim. "Hoo! Go, Tash, kaya mo 'yan, para sa future." Sabi ko at pumunta na sa mga nakapila roon.

Isa isa kaming tinawag. Kung kanina ay hindi ako nababahala, ngayon nininerbyos na ako nang makita ko ang reaksyon ng mga kakalabas lang.

Kanina pa ako inhale exhale ng inhale at exhale para lang kumalma ako. Akala ko si Bruce lang nakakapagpatibok ng mabilis sa puso ko, pati pala ang mga 'to.

Nang ako na ay talagang ginalingan ko. Lahat ng tanong nila hindi ko pinapalampas, minsan kahit wala ng konek ang mga sagot ko, basta may maisagot lang ako sa kanila. Pagkatanong nila ay hindi ako nag-iisip at nagsasalita agad para wala silang masabi. Siyempre minsan, nagsasabi ako ng mga nakakatawa, mabuti at natatawa rin sila dahil ayaw ko mapahiya. Pero kahit nagjojoke ay nananatili akong pormal magsalita at may galang. Nang matapos ang interview ay nagpasalamat ako sa kanila, ang sabi nila tatawagan na lang raw ako para ibalita kung nakapasa o hindi.

Nakahinga ako ng maluwag paglabas sa room. Woo, sana worth it lahat ng 'to. Mukhang na-satisfy ko naman sila, pero malay ko ba kung marami pang mas magaling sa akin at napabilib sila.

Habang naglalakad sa labas ay may tumawag sa akin. Unknown number.

"Ni hao?" Sagot ko.

"I will pick you up." Napakunot ang noo ko at tinignan ulit ang cellphone.

"Bruce? Paano mo nakuha ang number ko?" Tanong ko.

"Never mind that. Wait me there." Aniya at binabaan ako ng cellphone.

"Aba. Paano niya naman nalaman kung nasaan ako? At, duh? Sino ba siya para hintayin ko?" Bulong ko sa sarili ko.

Umupo muna ako sa bench habang hinihintay siya. Nagugutom na ako kaso pag umalis ako dito baka hindi kami magpang-abot, magpapakain naman siguro siya.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon