Chapter 20: Jealous

1.3K 52 7
                                    

Jusko naman...

Nagtitigan kami ni Krym hanggang sa hindi namin mapigilan matawa.

"Hahahahahaha."

"Hahahahahahahaha."

"Loko ka talaga. Hindi na ako maniniwala sa 'yo, puro kalokohan kaya alam mo!" Natatawa kong sabi.

"Sinusubukan ko lang Nat." Aniya at natatawa rin.

"Bonak. Hindi bagay sa 'yo, pa'no ka aamin sa mga crush mo niyan." Ani ko.

"Tss. Bahala na nga." Aniya.

"Bakla ka naman kasi ata e?!" Sabi ko.

"Hindi ah, ang hard mo naman sa 'kin, Nat." Aniya.

Tumawa ako. Lalaking lalaki naman si Krym, hindi naman siya nagmumukhang bakla kapag makulit hindi gaya ni Kevin. Wala lang talaga kaming nababalitaang girlfriend or crush niya kaya inaasar namin siya ni Kian ng bakla. Ako nga rin, tomboy dati ang tawag dahil wala akong boyfriend o crush e, dumating lang si Bruce.

By the way, nasaan na kaya 'yon?

Umupo na kami ni Krym. "Natapos na tayo lahat lahat sumayaw, wala pa rin sila?!"

Nilingon ko si Krym. "Uuwi na ako. Ikaw?" Tanong ko.

"Uuwi... Ano, mamaya na nga!" Aniya, naiinis. Parang timang 'to, gulo ng utak.

"Ayaw ko na maghintay, gago 'yang si Bruce."

"Hey, Tash!" Bigla siyang sumulpot.

"Oh? Uuwi na ako." Saad ko, nababadtrip.

"What?! Hindi pa nga kita naisasayaw uuwi ka na?" Siya pa ang may ganang magreklamo, ha?!

"Wow naman. Ilang minuto ba kitang hinintay? Aba," ani ko.

"Sinamahan ko lang si Kia, sumakit kasi ulo niya e."

Wow, ang tagal kaya no'n.

"Hindi ko na problema 'yon, uuwi na ako." Sagot ko at naglakad na.

"Tash!" Humabol siya. "I'm sorry. Hatid na kita." Aniya.

Umiling ako. "Huwag na."

Bumuntong hininga siya. "Please?"

Nakasimangot akong sumakay sa kotse nila. "Hey, sorry."

Nilingon ko siya. "Ang tagal ko kayang naghintay. Nangalay na nga paa ko sa kakaupo, e."

"I'm really really sorry. Nahihilo kasi talaga si Kia."

"Partner mo ba 'yung Kia na 'yun? Classmate mo?" Tanong ko.

"Yes. Actually, she's my seatmate." Aniya.

Tumango ako. "Bakit ba sumasakit ulo niya?" Tanong ko.

"Uhm... Nahilo siguro sa lights." Aniya.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon