Chapter 14: Dismaya

1.3K 55 0
                                    

Nagviolation dahil sumenyas ang coach ng traveling. Potaena, mukhang mapipigtas pasensya ko sa mga 'to ah.

"Pakshet." Bulong ko dahil nakita kong ilang beses nang natatapakan si Bruce ng kalaban namin.

Imbes na harangan ay tumakbo ako palapit kay Luvvi. "Tangina Luv, nababadtrip ako."

Ramdam ko rin ang inis niya. Pinilig niya lang ang ulo niya at hinarangan muli ang kalaban.

Ganoon nalang rin ang ginawa ko pero imbes na mapunta ang pokus sa laro ay napupunta iyon sa mga kateam ko, nagaalala ako sa kanila. Ayaw kong magsimula ng gulo, dala namin ang pangalan ng skwelahan pero nababadtrip talaga ako.

Napasa kay Luvvi ang bola. Kaya tumakbo kami papunta sa ring, lumapit naman sa 'kin si Krym.

"Tangina, tinapakan ako." Ramdam kong napipikon na siya.

"Tarantado kasi." Mas lalo akong namroblema at pinilit na tumutok sa laro.

Hindi ko naman sila pwedeng sabihan na hayaan nalang dahil maski ako nga ay naiinis na, nasasaktan na nila kami. Ayaw ko ng gulo, ako ang captain sa grupo kailangan ako ang may mahabang pasensya pero taena talaga e.

"Pasa!" Ani ko kay Kian.

Pero akmang sasaluhin ko 'yon nang may pumatid sa akin. Mabuti na lang agad kong nabalanse ang sarili ko. Imbes na isipin ang sakit na natamo ay agad kong binawi ang bola sa kanila bago pa iyon mashoot.

Si Luvvi ay nakaabang na agad sa ring, walang bantay kaya agad kong iyong hinagis sa kaniya. Shoot!

Tinignan ko ang score board, lamang pa rin naman kami, hindi nila kami mahabol kaya nanduduga na sila.

Nang magtime ay agad kaming lumapit kay coach.

"Coach, badtrip. Ang bayabas." Ani Krym.

"Nakakapang-init ng dugo." Sabat naman ni Kian.

Si Bruce at Luvvi ay tahimik lang pero halatang nagtitimpi. Bumaba ang mga kaibigan ko. Si Kris ay lumapit kay Kian, ganoon din si Fuch kay Luvvi. Si Kev at Clark ay lumapit sa akin.

"Mars ayos ka lang? Nakita ko yung ginawa ng animal na 'yon, hindi na nga siya pogi tapos ang chaka pa ng ugali niya." Singhal ni Clark.

Tumango ako. "Ayos lang, hayaan na muna."

"Ano nat? Ready na manapak yung kamao ko, sasapakin nalang yung kulang." Ani Kev.

Tumawa nalang ako para kumalma sila. "Ganoon talaga."

Nakita kong bumaba si Kuya Kid. Inakbayan niya ako at inabutan ng bottle. "Are you okay?"

Tumango ako. "Maduga ang kalaban kuya."

"Yeah, I see. Hindi nakikita ng referee." Aniya.

Tumango ako. "Opo nga e, nakakainis."

"Take care okay?" Paalala niya.

Tumango ako. "Okay kuya." Tinapik niya ako bago naupo muli. Sinenyasan akong lumapit ni coach kaya nilapitan ko siya.

"Nakikita ko ang lahat ng duming ginagawa ng team na 'yan. Maglaro lang kayo, sige. Doon niyo ifocus ang sarili niyo, sa laban. Kapag sinaktan na talaga kayo, siniko, tinuhod o ano, ifofoul na 'yon. Malinaw? Sa ngayon ihandle mo ang team, bawal sumugod agad, okay? Pinagsabihan ko na sila. Ikaw ang captain ikaw ang magpapanatili ng pasensya nila. Hangga't maari, huwag kayong magsimula ng gulo dahil kayo ang mababaliktad. Hayaan niyong manduga sila, pero huwag niyong hahayaang masaktan kayo. Malinaw?"

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon