Chapter 35: Tanga

1.2K 40 2
                                    

"Kuya, nag-iwan ako ng note sa bag mo bago pumasok. Hindi mo ba nakita?"  Tanong ko habang inaayos ang mga hawak kong folders.

"Wait- Oh I see. Okay then, take care. Don't do anything stupid, okay?" Aniya.

"Ay ang sama mo naman, kuya. For you information, pwet mo may lotion. Pwedeng pwede mona ako iwan kahit saang parte dito sa China 'no." Sabi ko.

Natawa siya. "Oo na. Atleast take care of yourself, don't forget the curfew, okay?"

"Owkeeey!" Sabi ko. Manager na si kuya ng isang company dito, tapos sa kaniya ipapamana iyong dalawang company na sila mama ang may-ari. Mas busy na tuloy siya ngayon, magtatanong pa sana ako kung bakit hindi na lang siya sa kompanya namin magtrabaho kaso lang tinatamad ako at hindi naman ako gaanong interesado sa mga business kaya huwag na lang, at saka baka gusto niya lang ng sariling experience o kaya gusto niya muna magsimula sa mababa.

Pumasok na ako sa school ko rito sa Beijing. Limang taon na ang lumipas simula nang makalipat kami rito, second year college na nga ako e, umuuwi uwi naman kami sa Pilipinas kapag bakasyon o kaya birthday ng kapamilya, minsan naman sila na mismo ang pumupunta dito.

" hǎo, zǎoshang hǎo." Bati ko sa seat mate ko na pilipino rin. Marami ring pilipino rito sa totoo lang, mabuti nga at marami dahil hindi ako sanay mag-chinese. Pero magaling naman na ako umintindi, siyempre sa tagal ko dito, hasa na ang tenga ko sa mga chingchong. 

"Kamusta. Anong nakain mo at nag-chinese ka." Tinawanan niya ako.

"Wala lang, feeling ko ang galing ko na, e." Tumawa ako at umupo sa tabi niya.

"Grabe, nakumpleto mo lahat 'yon sa tatlong araw? Ayan 'yung binigay ni granny 'di ba? Nakakabilib talaga ang kasipagan mong babaita ka." Hinampas niya ako, naalala ko tuloy si Kristel sa kaniya.

"Wala akong magawa sa bahay, e. Kaysa namang tumunganga, kung may time naman ngayon bakit mo pa ipagpapabukas?" Sagot ko.

"Sana all responsible." Sambit niya.

"Pwet mo irresponsible." Tinarayan ko siya. "Alam mo tigilan mo ako dahil alam kong bukas may ipapasa ka na rin agad."

Natawa na lang siya. Naglesson na kami, saglit lang naman ang school hours, dalawang subject lang sa Tuesday at Thursday tapos four subject tuwing Monday at Wednesday.

Hindi na ako nakihang-out pa sa kanila. Hindi ko naman sila close lahat, medyo tumahimik na rin ako dahil siguro walang makausap, roon kasi sa Pilipinas halos lahat ng kaklase ko close ko.

Nang makauwi ay natulog lang ako ulit. Naligo ako nang magising at nagbihis lang ng yellow t-shirt at black jogging pants. Nag soot lang ako ng tsinelas at lumabas. Alas tres na rito, same lang sa Philippines. Wala namang difference ang oras dito at oras doon.

Mabuti at hindi masiyadong mainit kundi susunugin ko ang kilay ng lalaking 'yon.

"Hoy na saan ka na, king ina ka talaga." Sagot ko agad nang sagutin ang tawag sa cellphone.

Narinig ko ang tawa niya. [At your back.]

"Tss." Napasinghal na lang ako at inoff ang tawag. Nilingon ko ang likuran ko at sinimangutan siya.

"Ano nanaman ba 'yon, wala pang isang araw nangungulit ka na agad." Inis kong sabi.

"Captain."

"Gago." Sinamaan ko siya ng tingin nang tumawa siya. "Demonyo ka talaga 'no."

Tumawa siya ulit. "Saan ba kasi tayo pupunta? Tanghaling tapat oh." Inis kong sabi.

"Ang boring e, para namang ayaw mo ako kasama, kunwari ka pa." Inakbayan niya ako.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon