Chapter 30: Distance

1.1K 46 0
                                    

Lumipas ang ilang araw hanggang sa dumating na ang araw na dahilan kung bakit pa rin ako pumapasok. Bigayan na ng awards.

"Hello top 1." Bungad sa akin ng mga kaklase ko nang makapasok.

"Top 1 agad? Wala pa ngang ina-announce, e." Sabi ko.

"Syempre ikaw na 'yan, Vice, sino pa ba?" Sabi nila.

Ngumiwi nalang ako at umupo na sa gitna nila Bruce. Lahat ng kaklase ko ay close ko, pero ako rin ang agad na lumalayo sa kanila kapag napapansin kong gusto nila akong maging kaibigan. Wala lang, ang dami ko ng kaibigan, ayaw ko na magdagdag pa. Isa pa, mahirap na magtiwala ngayon.

"Hello Maria." Bati ni Clark.

"Good morning coconat, good morning Kris, good morning Clark, good morning Fuchsia." Malambing na bati sa amin ni Kevin.

Pero lahat kami nagsi-ngiwian lang. "Anong inalmusal mo?" Tanong ni Kris.

"Pakpak ng baboy." Biro ni Clark. Si Fuchsia naman hindi siya pinansin, minsan talaga parang ewan 'to si Fuch, e. Magsasalita lang kapag nasa mood.

Ngumuso si Kevin. Kaya ako na lang ang nagsalita. "Good morning din, Kev." Ngumiti ako. Baka hindi namin namamalayan, nagtatampo na pala sa amin si Kev dahil sa sobrang harsh namin sa kaniya minsan.

Ngumiti si Kev at tinabihan ako, niyakap pa ako. >_< 'Eto na nga ba ang sinasabi ko, e. Kapag sinabi ko iyon yayakap yakapin niya ako, hays.

"Kev, ano ba 'yan. Alis nga." Hindi ko tuloy napigilan.

Ngumuso lang si Kev. "Ayaw niyo na sa akin."

"Hoy Kev, parang tanga." Sinamaan ko siya ng tingin.

Natawa siya at kiniss ako sa pisngi. Napa-iwas tuloy ako bigla. Bakla ba 'to?

"Kadramahan ang putspa." Tinarayan ni Kris si Kevin.

Natawa tuloy ako. Loko talaga 'to si Kris.

Nang dumating ang teacher namin ay inannounce na ang mga with honors. Nagsimula sa top 10.

"Top 10, Aquino." Sabi ni ma'am Tin.

"Kris, asawa mo."Asar ko dahil Aquino ang nickname niya sa GC namin. May gusto kasi sa kaniya 'yon dati.

"Kwento mo sa bading." Pang-aasar ni Kris. Kahit kailan talaga ang pranka magsalita e.

Tinarayan nalang siya ni Clark. Nanlaki ang mata ko. "Hala, 'di ba nung nakaraan top 10 si Kevin? Natanggal?" Sabi ko.

"Hala oo nga." Tinignan namin si Kev. Nakanguso na siya ngayon.Tatlo na pala agad ang natawag, nag-ingay lang kami saglit.

"Sana all na lang nasa top." Sabi ni Kris.

"Sana all din, sana all talaga." Sabi naman ni Clark.

"Kapag kayo kasama, kukutusan ko kayo." Sabi ko.

"Top 7, Takahashi." Announce ni ma'am.

"Wooooah!" Nagtawanan kami nang tuwang tuwang naglakad papunta sa harap si Kevin.

"Ayie with honors si Hapon." Asar ng mga kaklase namin.

"Top 6, Velasco." Napangiti ako nang marinig ang apelyido ni Clark. In love na 'ata ako, char. Alam ko namang may top silang lahat, may tiwala ako sa kakayahan nila.

Rumampa si Clark papunta sa harap. Hinalikan pa ang certificate at medal niya.

"Pustahan ikaw na sunod diyan." Sabi ko kay Kris.

"Top 5, Torres." Sabi ni ma'am.

"Hala baka top 4 ka, ayieee." Tudyo ko. Dahil pwedeng pwede.

Tumakbo kami palapit kay Fuchsia. "Bakit kayo nandito?" Takhang tanong ni Fuch sa amin.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon