Chapter 4: My Partner

2.6K 129 8
                                    

Nang makabalik sa room ay hinanap ko agad si Clark pero wala pa siya.

Papasok ba yung beki na 'yon?

"Nat, wala pa si Clark." Nilapitan ako ni Kristel.

"Pansin ko nga e, baka hindi papasok?" Tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Baka nga, hindi naman nalelate 'yon e."

"Natasha, oh done na. Tulungan mo ako sa science mamaya ha." Inabot sa 'kin ni Fuchsia ang bond paper.

"Thank you, Fuch. Sige tanong ka lang mamaya." Sagot ko pero inirapan niya lang ako bago umupo muli.

"Mars!" Agad kaming lumingon ni Kristel nang marinig ang tunog ni Clark.

"Oh bakla! Bakit late ka?" Tanong ni Kristel.

Ngumiwi siya. "Jusmar, nalate ng gising ang dyosa."

Tumawa ako. "Eh? Himala. Akala nga namin aabsent ka na e!"

Tumaray siya. "No way! Hindi ko makikita si baby Bruce."

Napataas ang kilay ko.

Biglang nagsalita si Kristel. "Kanina nakita ko sila sa canteen inutusan ata sila ni Sir Mendez. Grabe ang fresh niya talaga. Gumwapo siya lalo sa uniform natin."

Impit na tumili si Clark. "Ang pogi niya mars, ang kaso mukhang masungit, hindi man lang ngumingiti sa mga babaeng nagpapakilala sa kaniya!"

Hindi ngumingiti? Puro nga tawa 'yon sa practice!

Suminghal ako. Nagkatinginan sila. "Nat! Ka-team mo 'yon 'di ba? Pakilala mo naman kami." Hiling nilang dalawa.

Suminghal ako. "Ano kayo? Chix?"

Sumimangot sila. "Dali na. Hindi mo ba siya close?"

Umiling ako. "Hindi."

"Hindi ka napopogian Nat? Ang macho rin kaya non." Ani Kristel.

"Sarap sarap ng baby Bruce ko." Maarteng saad ni Bruce.

Sumama ang timpla ko, baby Bruce pala ha.

"Masama ugali non! Kung ako sa inyo iu-uncrush ko na 'yon."

"Weh? Pa'no mo naman nasabi?" Tanong ni Kristel.

"Sus, sabi mo lang 'yan baka kasi hindi ka niya crinushback." Ngumiwi si Clark.

"Bakit niya ako ika-crushback e hindi ko nga siya crush?" Mas ngumiwi ako.

"Oh, eh pa'no mo nga kasi nasabi?" Tanong nila.

"Basta nakakainis siya! Napaka mapang-asar, feeling close, basta naiinis ako sa ugali niya." Sagot ko.

"Weh? Baka naman ikaw lang nagsasabi niyan?"

"Basta 'wag niyo na i crush 'yon!" Pamimilit ko.

"Wala namang masama, normal naman sa lalaki 'yon." Sagot ni Kristel.

"Mas nainlove nga 'ko sa sinabi mo!" Kinikilig na sagot ni Clark.

Bakit ba ang daming nagkakagusto sa kaniya!?

"Panget ugali non! Nanglalait, bully, matapobre!" Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko.

"Weh? Totoo?" Tanong nila.

Tumango ako. "Oo! Sobrang yabang pa!"

Hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwang nang makita ang dismaya sa mata nila.

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang class kaya nakinig na ako bagaman nakikipag-usap pa rin sa dalawa.

"Take your break." Sabi ng teacher bago lumabas.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon