Chapter 9: Tarsier

1.8K 70 3
                                    

Walang mapaglagyan ang saya ko nang makasakay sa kotse nila. Eto ang unang date namin.

Marami pang aasikasuhin na sport ni coach kaya 3 pm pa lang kami natapos.

Nakakaramdam na ako ng gutom, sana ay kumain muna kami.

"Are you hungry?" Tanong niya.

"Oo, medyo." Sagot ko.

Tumango siya. "Let's eat first. Saan mo gustong kumain?"

Nag-isip ako. "Jollibee."

"Jollibee? Hmm. Masarap dyan?" Tanong niya.

"Ha? Hindi ka pa nakakatikim no'n? Weh!" Natatawa ako pero hindi ako naniniwala.

"Really, I didn't even hear that before." Talagang inosente siya.

"Kuya, hindi pa talaga nakakakain no'n yung alaga niyo?" Tinanong ko ang driver nila.

"Hindi ho talaga, Ma'am. Noong bata ho kasi siya ang paborito niya ay McDo, kahit anong ibigay mo iyon ang hinihiling niya. Hanggang sa nagabroad na sila, hindi ko alam kumakain paba siya ng gano'n." Sagot ng driver niya.

Nilingon ko si Bruce para idiretso niya iyon.

"Yeah, ang hirap hanapin ng McDo at Jollibee roon, hanggang sa nasanay na akong hindi kumakain ng Mcdo, since kakauwi lang din namin galing abroad, it's my first time na makakain ng Jollibee." Aniya.

Tumawa ako. "Ang yaman niyo tapos hindi ka pa nakakakain no'n?" Tumawa ako ulit.

Tinitigan niya ako at saka siya umiling. "First date with you, first time to eat Jollibee with you."

Natawa ako. "Para kang timang." Talagang natawa ako, akala niya siguro e sosyalin ang Jollibee.

Nang nasa mall na ay agad muna kaming kumain.

"Eto yung Jollibee?" Tanong niya.

"Oo, ayan oh, hindi mo ba nakita?" Tinuro ko si Jollibee.

"I thought it's kinda restaurant." Aniya.

Tumawa ako. "Fast foo 'to, masarap dito. Tara!"

Hinila ko siya sa cashier. Inorderan ko siya ng spaghetti, fried chicken, yam burger, french fries at sunday. Ganoon na rin ang inorder ko.

"Damihan ko na ha? Libre mo naman e, saka mura lang naman 'to." Walang hiya kong sabi sa kaniya.

"Tsh, sure. Maghahanap na ako ng upuan." Aniya at umalis.

Napangiti ako at maya maya lang ay kinuha na ang tray, agad ko namang nahanap ang pwesto niya kaya hindi na ako nahirapan pa.

"I hate crowded place." Aniya.

Natigil ako. "Lah, sorry. Nasisikipan kaba?" Agad akong nag-alala.

"No, it's just that... I'm not comfortable with you know, maraming tao."

Nginitian ko siya. "Normal lang 'yan, hoy!"

Bumuntong hininga siya. "Fine!"

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon