Chapter 34: A Friend

1.2K 42 0
                                    

"Wake up, princess. Kuya will leave. Babalik ako mamayang three pm. If you're going to go out, use your card, withdraw your money. Pero hangga't maari, dito ka na lang muna, hindi mo pa masiyadong kabisado dito." Narinig kong sabi ni kuya Kid.

"Mm." Sagot ko na lang at nakapikit pa rin.

"Are you okay? Aalis na ako." Sabi niya at hinawakan ang noo ko.

"Okay lang ako, bye." Sagot ko at dumapa. Antok na antok pa nga ako, e. Nag-hiking kaya kami kahapon. Ewan ko ba dito kay kuya, parang hindi napagod.

"Okay then. May breakfast na diyan, I'll go." Sabi niya ulit.

"Ge lang. Ingats." Sagot ko at natulog pa. Narinig kong sinara niya na ang pinto ng kwarto ko. Mga ten minutes pa bago ako bumangon.

Alas syete pa lang, ang aga naman umalis ni kuya. At dinamay pa talaga ako ha, dapat nag-iwan na lang siya ng note. Ang sarap sarap ng tulog ko, e.

Magda-dalawang buwan na kami rito sa Beijing. Hindi naman ako naboring, madalas kami lumabas. Kabisado ko na nga sa area na 'to, e. Ang over acting lang ni kuya, may pinagmanahan. Sabagay, alam niya rin kasing baka kung saan saan ako pumunta. Syempre umay na ako sa area namin dito kaya gusto ko namang pumunta sa malalayo.

Kumain muna ako ng pagkain roon, pagtapos ay hinugasan ko ang pinagkainan. Naligo ako at nagsoot ng green turtle neck longsleeve shirt at white mom pants, sinoot ko ang green rubber shoes ko at white bag.

Nagponytail lang ako tapos nag-spray ng pabago bago lumabas.

Dumaan muna ako sa banko para mag-withdraw ng pera. Hindi na ako nagulat nang nasa isang milyon mahigit pa rin ang laman n'on. Simula nang makarating kami rito, inispoil ako nila mama sa pera.

Sa totoo lang, DSLR lang ang dala ko palagi. Dahil wala pa rin silang tiwala sa akin hanggang ngayon, grounded ako any gadgets. Feeling kasi nila makikipag-usap pa rin ako kay Bruce. Keypad lang ang dala ko palagi, para lang matawagan ako ni kuya Kid. Maganda na ring wala akong cellphone, wala naman akong kakausapin, e. Pero siyempre, minsan hawak ko ang cellphone ko, minsan kasi namimiss ko rin kausapin sila Clark.

Nang makuha ang pera ay agad akong lumabas. Sumakay ako sa transportation nila papunta sa kung saan. Tinandaan ko na lang ang sinakyan ko para alam ko din kung paano ako uuwi.

Bumaba ako at sumakay naman ng tren. Medyo mahaba ang byahe, naglaro na lang ako ng snake and ladder sa keypad tutal iyon lang naman ang laro doon bukod sa tetris.

Nang makababa ay sumunod na lang ako sa mga tao. Syempre nag-research naman ako 'no, kagabi bago ako matulog ay hinanap ko ang pasyalan na 'to at alam ko naman kung paano 'to puntahan, pero syempre kailangan pa rin tandaan ang sinasakyan at mag-isip ng palatandaan para hindi maligaw at hindi mahirapan pauwi.

Pumunta ako sa zoo. Sobrang laki, agad akong napangiti dahil halo halo ang mga hayop roon. Agad naman akong pumunta sa mga malalaking elepante. Tatlong malaki iyon, tapos may limang maliit. Sobrang cute! Pinicturan ko iyon bago pumunta sa mga ahas. Waaa nakakatakot! Pinicturan ko lang 'yon ng isa at agad ring umalis. Sunod kong pinuntahan ang giraffe at zebra, grabe ang hahaba ng leeg, parehas naman silang maganda pero parang mas gusto ko iyong giraffe. Hindi ko gusto masiyado ang skin ng zebra. Pinicturan ko ulit 'yon bago naman tumungo sa mga kangaroo at iba't-iba pang hayop. Pumunta rin ako sa may tubig kung nasaan ang mga jelly fish, sea horses, iba't-ibang klase ng isda. May shark show rin akong narinig kaya nakitabi ako sa mga taong nakatayo malapit sa dagat. Ang ganda nga kasi dito, tabing dagat ang zoo kaya anytime makakapag-shark show talaga. Gusto ko pa naman makakita ng pating. May glass na nakaharang sa amin, hindi siya naka-railings lang kundi nakatakip talaga ng glass. Dahil siguro delikado para sa mga manonood kaya hindi open, maganda nga iyon, e. Pwedeng makanood ang mga bata, marami pa namang bata ngayon na matitigas ang ulo.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon