Chapter 19: Admirer

1.2K 58 13
                                    

A/N: Natapos mona ba ang module mo?

_____

Dumaan ang umaga at tanghali, nanood lang ako, kumain at natulog. Alas sais ang time kaya four pm ako nag-alarm para makapagready, umidlip muna ako para hindi antukin mamaya. Sarili ko lang ang aayusan ko ngayon, nasanay ako nang mama ni Bruce ang nag-aayos sa akin. Hay nako, magmemake-up ba ako? Hindi pa naman ako marunong.

Naligo muna ako, nagpatuyo at sinuot muna ang tube bra at cycling, umupo muna ako. Mabuti nalang at nagising ako sa alarm. Nanood muna ako ng tutorial sa vlog, iyong simpleng make up lang dahil hindi talaga ako marunong. Kulay silver iyong gown at sabi sa video maganda raw kung tugma ang kulay kaya nagsearch ako ng magandang make up para sa silver na gown. Puro bonggang make up nga ang nakikita ko, e hindi naman ako marunong nito.

"Pano ba 'to! Huwag na nga lang." Hinagis ko ang cellphone ko. Tapos hindi pa ako nakapagready, wala palang make up dito.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. "Ganto nalang ako." Tumawa ako at umiling.

Kinuha kona iyong gown at sinuot na. Grabe ang ganda talaga. Kulay silver na may white 'yon kaya ang kintab talaga tignan, sa tingin ko nga ay kahit sa dilim kikinang ito, pero sana ay hindi, ayaw kopa naman nang nasa akin ang tingin. Baka kapag gano'n ang nangyari ay madapa lang ako sa harap nila.

"Natasha." Nagulat ako nang pumasok si mama sa kwarto ko.

"Ma... Hindi po kayo pumasok? Ano pong, bakit po kayo narito?" Tanong ko.

Tumaas ang kilay niya. "Bakit? I am not allowed here?"

Agad akong umiling. "No mom, of course! Yes." Bahagya akong humalakhak.

May bitbit siyang make-up kit, teka...

"Come here, aayusan kita." Aniya.

Nagdadalawang isip pa ako, hindi niya ako nginingitian pero hindi rin siya nakasimangot, poker face lang pero ang boses ay may tono. Paano ba iyon gawin?

Umupo ako sa unahan niya paharap sa kaniya. Sinimulan niya sa foundation sa mukha ko, contour, cream at kung ano ano pa. Sunod ay ang kilay ko, eyeshadow, pinapikit niya rin ako para daw roon.

Muntik pa akong matusok dahil habang ina-eye lineran niya ako ay dumilat ako. Buang, bawal pala dumilat roon.

Pinataas rin niya ang mata ko at ewan kung anong ginawa. Lalagyan sana ako ni mama ng lipstick pero umayaw ako, kaya nilagyan niya nalang ako noong parang liquid, liptint ata iyon. Puting lipstick na may glitters sana ang ilalagay pero ayaw ko nga, kaya lips ko lang tuloy ang may naiibang kulay, pero bagay pa rin naman. Kapag raw puting liptint ang nilagay ay nagmumukha akong may sakit. Ewan ko kung nagpapatawa ba siya roon pero natawa ako.

Hindi pa nakakatayo ay sinunod naman niya ako buhok ko. Aminin ko man o hindi, ang sarap sa pakiramdam... Eto yung bonding na gusto kong maramdaman kasama siya... Eto yung matagal ko nang hinahanap.

At dahil mahaba ang buhok ko maganda tignan iyon sa high ponytail. Sabi ni mama ay bagay raw iyon sa akin, kinilig nga ako e. Kasing edad ko kasi si pam nang huli kong marinig sa kaniya iyon.

Hindi tulad kapag pumapasok ako, may dating ang ponytail ko ngayon. Ang elegant ko tignan, para akong anak ng mayaman.

Ang taas no'n, kitang kita ng kaharap ko ang ponytail sa likod pero hindi naman sa tuktok nilagay. Kinulot rin ni mama ang dulo ng ponytail. Kumuha siya ng dalawang manipis na buhok na nakapwesto sa magkabilang tenga ko at hiniwalay iyon bago kinulot. Tapos yung buhok ko nakahair spray tapos walang tumatayo, kahit kailan talaga magaling mag-ayos si mama.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon