Chapter 24: Promises

1.1K 54 2
                                    

Kinabukasan ay syempre, maaga ako nagising, ako ulit ang huling kumain. Dahil nakaalis na sila mama. Mga six am kasi sila umaalis, tapos ako six thirty or seven am.

"Good morning po nanay, ate Loren." Bati ko sa helpers.

"Good morning hija." Ani nanay Marta.

"Good morning, Natasha." Bati naman ni Ate Loren.

Umupo ako sa upuan, magtatanong na sana ako pero inunahan ako ni nanay Marta.

"Kumain na sila at kumain na rin kami, kaya ikaw, kumain kana." Aniya.

Natawa ako. "Thank you nay." Masaya kong tugon.

"Sige na kumain kana dalaga ko." Aniya at nginitian ako.

Napangiti nalang rin ako at inubos agad ang almusal. Nagsepilyo ako pagtapos kumain at nagpaalam na bago lumabas.

Paglabas ko ay sakto ang dating ni Bruce. Agad na akong pumasok sa kotse niya.

"Good morning." Nagulat pa ako ng ikiss niya ako sa pisngi.

Ay, kami na pala.

"Good morning rin." Sabi ko.

"Ang boring sa school. Papasok lang ako kasi gusto ko kayo makita." Sabi ko.

"Kayo?" Tanong niya.

"Kayo nila Clark, Kris, sino pa ba?" Sagot ko.

"Okay." Aniya.

"Alam mo hindi tayo magtatagal kung seloso ka." Sabi ko.

"Yeah I know." Aniya. Napasinghal nalang ako.

Pagdating sa school ay agad na kaming pumasok. Nag-away pa kami dahil gusto ba naman akong ihatid sa room.

Pagpasok ay naroon na agad sila, si Kris ay wala pa. Agad akong sinalubong ng yakap ni Clark.

"Good morning 'te!" Bati niya.

"Wow, morning din." Sabi ko at umupo.

"Spill the tea!" Aniya.

"Huh? Ano ba meron?" Tanong ko.

"Aba'y ewan ko sa 'yo, ikaw 'tong may magandang ngiti e." Aniya.

Natawa ako. Sasabihin ko ba? Huwag na muna siguro. Tama na 'yong alam nilang may namamagitan sa amin ni Bruce.

"Wala naman, ganda lang ng gising ko." Dahilan ko nalang.

"Sus." Matukso siyang ngumiti.

Sabihin ko na ba kay Clark? Parang may gusto akong pagsabihan kahit isa man lang sa kanila. Gusto ko sana si Clark kaso madaldal siya e, si Kris naman e baka kung ano anong negatibong sabihin, si Kevin hindi matino kausap, si Fuchsia...

Si Fuchsia lang. Kaso ang tahimik niya masiyado, parang kapag sinabi ko na.

'Fuch, kami na ni Bruce.' Titingin lang siya sa akin at tatango.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon