Chapter 11: Falling

1.5K 62 4
                                    

From: Bruce

Tash, mag-usap tayo. Sorry, minadali kita. It's not like that..

Simula nang umuwi ako nung araw na iyon ay panay ang pagtext niya sa akin.

I missed him.

Gusto ko siya yakapin ngayon...

Kinuha ko ang tarsier sa bedside table ko at niyakap iyon.

Baka naman maayos pa namin 'to. Gusto ko na siyang makita... Napakapride ko, ang liit ng dahilan para ilang araw ko siyang hindi pansinin.

Bakit napakabig deal sa akin ng sinabi niyang iyon?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Gusto ko rin naman siya. Hindi ba nakakapagtaka at nahuhulog agad siya sa akin?

Bumuntong hininga ako at inihilamos ang palad sa mukha.

"Ano ba kasi ang love?" Tanong ko sa sarili.

Paano ko ba malalaman kung nahuhulog na rin ako sa kaniya? Basta ang alam ko lang ay miss na miss ko na siya ngayon.

Ako:

Magkita tayo.

From: Bruce

Thank you so much!

Sabado ngayon at sembreak namin sa lunes ng dalawang linggo kaya walang pasok. Matagal ko siyang hindi makikita kung paiiralin ko ang kaartehan ko, ako lang rin naman ang nalulungkot.

Nagbihis ako ng mom jeans at simpleng white t-shirt na may maliit na text. Lumabas ako ng bahay at nagtaxi papuntang mall.

Ako:

Nakaalis na ako. Villa Mall.

Alas kwatro na pero dahil miss ko na siya ay kahit abutin pa kami ng gabi ay ayos lang sa akin.

Pagdating ko ay naroon na agad siya sa upuang nakagilid sa fountain. Likod palang niya ay kilala ko na kakatitig ko sa kaniya. Naka sweat short siya at white grey t-shirt.

"Mukha kang lonely diyan." Sambit ko.

Nilingon niya ako at biglang tumayo upang yakapin ako. Hindi ko inaasahan iyon kaya nakatayo lang ako at hindi nakakilos.

????

"Tash, I'm so sorry. I'm so immature, sorry kung minadali kita. I'm sorry, I'm so sorry..." Hinigpitan niya ang hawak sa akin.

Tumawa ako at binaklas ang nakayakap niyang braso sa akin. Hay, nakakarelax yung feeling na katabi ko siya.

Tumawa ako. "Tangek, ayos lang 'yon. Ako ang nagpakaimmature. Hayaan na natin 'yon."

Nginitian niya ako. "I missed you."

"Namiss rin kita." Inakbayan niya ako.

Feeling ko kumpleto ako, feeling ko safe ako kapag nasa tabi ko siya.

Nanood kami ng sine na romcom. Buong oras hanggang matapos ang palabas ay nakasandal ako sa balikat ni Bruce. Ang komportable ko kapag siya ang kasama ko.

Pagtapos manood ng sine ay naglaro ulit kami ng arcade. Minsan ay talo, minsan ay hindi. Madalas ay madaya ang machine.

Pumunta kami ng starbucks at kumain ng cake at umorder ng kape. Nagshopping kami, kung ano ano ang gusto niyang bilhin sa akin pero ayaw kong tanggapin.

Nagpahilot rin kami gamit ang high-tech na upuan. Hindi ganoon kasarap iyon pero puwede na.

Gustong gusto niya ako bilhan pero hindi ko tinatanggap hanggang sa bumili siya ng sombrero.

The Talkative Captain (Adolescents Ardour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon