Chapter 16

58 4 0
                                    

"Excited na ako!" Kulang na lang ay umabot ang ngiti ko sa langit dahil sa saya.

Pinilit ko kasi sila na pumunta dun sa pinuntahan namin ni Zeus, hindi ko kasi alam ang tawag dun at wala naman din yata talagang pangalan ang lugar na yun.

Wala namang klase kaya umoo silang lahat... Wala rin naman silang magagawa dahil nung sinabi kong gusto kong bumalik sa lugar na yun ay sinabihan na sila ni Zeus.

Sino ba namang hindi susunod sa utos ng hari?... Ako lang yata.

Nag ayos lang ako sandali... Kinuha ko na rin ang pouch ko para dun ilagay ang suklay, lotion, sunscreen, at kung ano ano pa.

Kukunin ko na sana ang twalya ko pero nag prisinta na si Hermes dahil nasa kaniya naman ang iba pang twalya.

Ginawa na yata siyang sampayan nina Diana... Wala rin naman siyang choice.

Para kaming mag a-outing dahil sa itsura namin... Parang mag babarkada na nagkayakagang mag lakwatsya.

Wala namang nakapansin sa amin dahil dulo na ang dorm namin at sa likod na ng AA ang daan.

Katulad ng una kong punta rito ay puro huni lang ng ibon at lagaslas ng tubig ang naririnig ko.

"Namiss ko to" Ani Ceres saka kumindat pa kay Hera na kasalukuyang naka angkla sa braso niya.

Sa harapan ko talaga? Yung totoo, pinamumukha niyo ba sa aking nag iisa ako?

Kasi kung oo, medyo masakit... Tagos sa heart.

"Languyan na!" Mabilis na tumakbo si Hermes papunta sa ilog na nasa harapan namin.

Awtomatiko akong napapikit ng tumalon siya...

Sira rin tuktok ng lalaking to eh, alam na nasa harapan ako... Tatalon, tsk.

Ilang saglit lang ay ganun na rin ang ginawa nina Ares, at Ceres... Ang Hari? Ayun nawawala na naman...

Kung si Ceres ay flash, ang lalaking yun naman ay invisible... Ewan ko ba.

Kinuha ko ang pouch ko saka nagpahid ng sunscreen... Pano ko gagawing pantay ang balat ko kung hindi ko abot ang likod ko?

Tsk... Wala akong choice...

"Hermes, palagyan nga ng-"

"Akin na" Malamig na ani Zeus saka kinuha iyon sa akin.

Hindi ko alam kung ibibigay ko ba sa kaniya o hindi dahil nahihiya ako... Nakatingin na rin sila sa akin pwera na lang kay Athena na abala sa pag tatampisaw.

Para akong nakaramdam ng kuryente ng marahan niyang hawiin ang buhok ko... Normal at hindi naman malamig ang sunscreen na yun pero iba ang pakiramdam ng ilagay niya na yun.

Sunod sunod ang naging pag lunok ko at para maiwasan ang mga tingin nila sa akin ay yumuko na lang ako at pumikit.

Buti na lang ay nakatube ako kaya kakaunti lang ang mahahawakan niya... Hindi naman sa ayaw kong hawakan niya ako pero kasi...

Nakakailang...

"Eto na" Tumango lang ako sa kaniya saka ibinalik iyon sa pouch.

Parang walang nangyari dahil agad siyang lumayo sa akin at naupo sa malaking bato na nasa harap ng ilog.

Pano ba to?... Pano ako mag momove on sa eksena?

"Ah ehem... Ma-malamig ba?"

Ewan ko kung bakit yun ang napili kong sabihin pero bahala na... Kailangan kong ibahin ang usapan.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon