Chapter 38

46 4 0
                                    

Hera's POV

Agad akong napatayo ng bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Ares... Hindi pa naiingat ni Ares ang ulo ay malakas na suntok na ang ibinigay sa kaniya ni Hermes.

Gustuhin ko mang tumayo at umawat ay hindi ko magawa dahil sa poot na nararamdaman ko sa lalaking ito. Sa totoo lang ay hindi pa sapat ang isang malakas na suntok para sa ginawa niya.

"Herm-"

"Wag na wag mong mababanggit ang pangalan ko... Hindi ko gugustuhing marinig ang tawag ng Demonyo"

Aawat na rin sana si Ceres pero hinawakan ko lang ang kamay niya.

Tama lang kay Ares iyon. Sa totoo nga ay kulang pa.

Sinulyapan ko pa si Athena para panoorin ang susunod na gagawin niya pero imbes na hilahin si Ares katulad ng dati niyang ginagawa ay nanatili lang siya sa kinatatayuan niya.

"I'm s-sorry" Agad kong iniiwas ang tingin sa kaniya ng mapansing naluluha na siya. Hindi ko gugustuhing kalmahin siya ngayon... Hindi siya karapatdapat.

"May mababago pa ba ang sorry mo?" Sa pagkakataong ito ay si Diana na ang nag salita. Bakas sa ekspresyon ng mukha niya ang labis na galit.

"A-alam kong wala pe-"

"Edi lumayas ka na... Ano pang ginagawa mo rito?" Ani Hermes saka humakbang papalapit kay Ares.. "Iche-check mo ba kung nagluluksa kami? Kasi kung oo, saludo to sayo" Itinuro niya pa ang hinlalato.

Padabog akong umupo sa kama na kaninang hinihigaan ni Zeus. Nakakapanghina ang nangyayari... Hindi ko inakalang hahantong kami sa ganito.

"Hindi mo masisisi si Hermes kung ganyan siyang makitungo sayo, dahil niloko mo kami" Kalmado pero bakas sa tono ng pananalita ko ang inis.

Gusto kong ibalik sa kaniya ang ginawa niya pero alam kong hindi yun makakatulong.

"Nagmahal lang ako" Saglit siyang tumigil at sinuri kami. "Alam kong mali ang ginawa ko pero magbabag-"

"Sino sa tingin mo ang maniniwala sayo?"

"Hermes minahal mo rin naman si Galy ah, pareho lang tayo-"

"Hindi tayo pareho at hindi tayo magiging pareho! Hindi ako umepal sa istorya dahil simula ng malaman kong gusto ni Galy ay si Zeus, tumigil na ako! Masyado ko syang mahal para guluhin sila gaya ng ginawa mo... Hindi ako traydor!" Sandali siyang napahinto sa pagsasalita at mabagal na nilapitan si Ares, sa bawat pag hakbang niya ay lumalala ang kaba ko.

"Kung ikaw si Zeus at ako ikaw, magugustuhan mo ba kung guguluhin ko kayong dalawa ni Galy?... Mapapatawad mo ba ako kung aagawin ko siya sayo at ilalagay ko ang buhay mo sa peligro"

"Hindi mo alam ang buong istorya, wala pa kayo nun"

"Ano ba ang kwento? Na nauna ka ha?... Kung ganun pala ang basehan bakit hindi niya pinili si Blade gayong alam nating lahat na nauna siya sa inyong dalawa"

"Dahil hindi niya alam na gusto siya ni Blade-"

"Dahil hindi nanggulo si Blade, Ares... Dahil hinayaan ni Blade na maging masaya ang taong mahal niya. Sa ating lahat ikaw lang ang makasarili... Hindi mo siya mahal, gusto mo lang siya, dahil kung mahal mo siya mas iisipin mo kung saan siya sasaya, hindi kung paano mo siya makukuha"

Hindi ko na maiwasan ang panginginig ng kamay ko kaya agad akong humawak kay Ceres dahil alam kong ilang sandali lang ay pwede akong manghina.

Buti na lang at wala ngayon si Galy... Tiyak na lala ang lahat. Kilala ko siya. Hindi niya kayang pigilan ang sarili niya sa oras na makawala na siya.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon