Ilang minuto na simula ng magsimula kaming maglakad nitong si Ceres at hanggang ngayon ay di ko pa rin alam kung saan kami pupunta.
Ang sabi lang niya sa akin ay sumunod ako sa kaniya. Hindi ko na binitbit ang Bow and arrow ko dahil kusa naman iyong lalapit sa akin sa oras na itaas ko ang kamay ko.
Napag-desisyunan kasi nina Ceres, Ares, at ng mokong na si Ceres raw muna ang unang mag tuturo sa akin.
Tumigil kami sa isang tago at malawak na lugar, pero sa loob parin ng AA.
Para lang rin itong parke, yun nga lang ay wala itong mga kung ano ano tulad ng bench... wala ring puno rito. Malinis at parang ginawa talaga para sa mga ganitong pag eensayo.
"Handa ka na ba?" Seryosong tanong niya saka inayos ang mga gagamitin namin.
Marunong rin palang mag seryoso ang lalaking to? Baka seryoso talaga siya pero nagiging bubbly pag nandyan si Hera.
"Yeah" Tipid na sagot ko.
Wala inaantok lang kasi ako... Hapon na kasi, ewan ko ba kung anong trip ni Ceres at ngayon pa naisipan...
Imbis na nakahilata ako sa kama ko doon sa dorm at nag papahinga. Tsk.
"Nakita kita kanina... Magaling kang umasinta" Anito habang nasa akin ang tingin. "Kaya hindi na tayo gagamit ng Target board dahil baka masanay ka... Papakawalan ko ang mga ibon na ito at subukan mong tamaan lahat-"
"Pero ibon yan Ceres! Masyado ka naman yatang marahas sa mga hayop"
Nakakaawa naman kasi sila... Walang kamuang muang... Palaging sila ang target.
Kung nandito si Ares ay siguradong hindi iyon papayag sa pinag gagagawa nitong abnong to.
"Hindi sila totoong ibon, Lia... Ibinigay lang to sa akin ni Ares... Hindi ko rin naman hahayaang pumatay ka ng ibon para sa ensayo" May punto siya.
Mukha naman syang may care sa kalikasan... Pero kung si Zeus siguro to? Ayt I doubt...
Psh bakit ba naiisip ko pa ang mokong na yun? Erase erase.
"Handa ka na?"
"Pero teka... Pano pag natamaan ko? Baka kung saan tumama ang palasong pinakawalan ko"
Kahit naman nanunumpit ako nung bata ay nag aalala parin ako na baka kung sino ang masaktan.
"Don't worry... Titigil ang palaso mo sa oras na matamaan mo ang target at babagsak iyon ng nakatusok sa isang papel" Paliwanag niya pa. "Ngayon handa ka na ba?"
"Oo" Itinaas ko ang kamay ko at laking gulat ko ng makita kong hawak hawak ko na nga ang pamana ko.
Hindi pa ako nakakakurap ng mapansin kong may mga ibon na ang lumilipad papalapit sa akin at handa na akong atakihin.
Mabilis kong inasinta ang mga iyon gamit ang pana na hawak ko.
Medyo natuwa naman ako dahil sapat lang ang palasong napakawalan ko. Hindi ako nag aksaya miski isa... Nice Lia.
Pero teka... Bwisit tong Ceres na to hindi man lang nag bilang bago pakawalan.
"Muntik na ko dun! Bakit di ka nag bilang? Binigla mo ko!" Inis na tanong ko sa kaniya pero heto siya at walang bahid ng takot sa katawan at patuloy sa pag ngisi.
BINABASA MO ANG
Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)
FantasíaI'm Aphrodite Liana Despues...I thought I already knew myself,I thought my personality was complete but I was wrong... That section helped me identify who I really am... ~ Vehemens ~