Chapter 29

36 4 0
                                    

Kakaiba ang hangin at panahon ngayon. Parang may kung anong masamang mangyayari. Mabigat ang paligid, wala kang maririnig na pagaspas ng mga dahon, at ang dating asul na alapaap ay naging itim na kalangitan.

Kahit iba ang panahon ngayon ay hindi parin ako nanatili sa loob ng dormitoryo. Wala rin naman rito ang mga kasama ko kaya lumabas nalang rin ako.

Balak ko sanang maglakad-lakad dahil maaga pa, para manlang mabanat ang mga buto ko...

Dinala ako ng mga paa ko sa kung saan. Hindi ko na alam ang dinadaanan ko at bumibigat na ng bumibigat ang pakiramdam ko pero patuloy parin ako sa paglalakad.

Nahinto ako sa isang kagubatan. May matatayog na puno ang nakapalibot sa akin ngayon.

Paatras ako ng paatras ng mapansin kong nagsisiksikan ang mga puno at ang maluwag na lupaing kanina kong natatanaw ay tuluyan ng kumipot ng kumipot.

"Ano? Hindi ka parin susunod?" Rinig kong tinig ng isang babae.

"Kung sino ka man hindi ako natatakot sayo! Magpakita ka sa harapan ko!" Sigaw ko na halos mapigtas na ang mga ugat ko dahil sa lakas.

Habang tumatagal ay unti-unting sumisikip ang dibdib ko at nahihirapan na ako sa paghinga.

"HAHAHA sa tingin mo ba ay matatalo mo ang tulad ko? Tsk, tsk, tsk, nagkakamali ka" Ani pa niya saka ako binigyan ng malakas at mala demonyong tawa.

Ang sakit sa tenga!

Gusto ko mang lumaban ngayon ay hindi ko magagawa dahil hindi ko naman alam kung sino at kung nasaan ang kalaban ko.

Wala na akong nagawa kundi ang hawakan ang leeg ko at humigop ng humigop ng hangin kahit hirap na hirap na ako.

Kailangan kong makaalis rito... Kapag nanatili pa ako rito ay tuluyan na akong malalagutan ng hininga.

Pilit kong inihakbang ang paa ko pero tila nakasemento ito na ayaw sumunod sa akin. Ang bigat niyon at parang may sariling pag-iisip.

Kaunti nalang at maiipit na ako ng mga puno at malalagutan narin ako ng hininga... Wala na akong oras ngayon.

Siya nalang ang inaasahan ko.

Alam kong darating ka, alam kong sasagipin mo ako... Ikaw nalang ang huli kong pag-asa, ikaw nalang... Zeus pakiusap dumating ka.

"Ahhh! Zeus!" Sigaw ko ng may isang malaking sanga ang bumagsak sa akin.

Hindi ako dapat matakot dahil alam kong nandyan siya, ililigtas niya ako... Siya ang hari ko, siya ang tagapagtanggol ko. Hindi ako pababayaan ng lalaki yun.

"Zeus pakiusap dumating ka... Zeus!" Umiiyak kong sabi habang hinahabol ang sariling hininga.

Ilang sengundo lang ay may naramdaman na akong mainit na katawan na yumakap sa akin. Binuhat niya ako at patakbong inialis sa mala bangungot na lugar na iyon.

Dumating siya.

Hindi pa ako tuluyang nakakatayo ay agad ko na siyang sinalubong ng mahigpit na yakap.

"Thank you, thank you Zeus" umiiyak kong sabi saka mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kaniya. "Whenever I would feel scared, just thinking about you calmed me down. I was always able to pull through because you were there for me. You would always save me"

"Ililigtas kita ng paulit-ulit, hindi dahil reyna ka ng paaralang ito kundi dahil mahal kita at iyon ang gusto ko... Kahit hindi pa iyon ang nararamdaman mo ay tatanggapin ko"

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon