Saglit lang akong umidlip saka agad ring bumangon ng marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.
Medyo blur pa ang nakikita ko kaya marahan ko munang kinusot kusot ang mata ko.
Bumungad sa akin ni Zeus. Wala naman siyang wirdong dala-dala o kung anumang pang-asar sa akin.
Tumayo siya sa may paanan ko saka ako diretsyong tinitigan. Umismid lang ako at akmang mag tatalukbong ulit ng kumot nang agad niya iyong naharangan.
"Sumama ka sakin" kalmado pero maotoridad na utos niya. Tumalikod na siya sa akin sa pag-aakalang kasunod lang niya ako.
Agad rin naman siyang tumigil nang mapansing hindi ako kumikilos. "What are you waiting for?"
"Bakit ako sasama?"
Last time na inaya niya ako ay napahamak ako.
Normal naman ang mangamba hindi ba? Duh muntik na kaya akong mapaano nun.
Bumalik siya saka pumwesto sa gilid ko. Itinagilid ko pa ang ulo ko para suriin kung anong susunod niyang gagawin.
"Anong ginagawa mo?"
Hindi siya tumigil sa ginagawa at nginisian lang ako.
"Hindi kita makuha sa kalmadong usapan kaya... Bibitbitin na lang kita"
Agad na nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong kargahin na parang baby at ilabas sa kwarto.
Gustong gusto kong mag pumiglas pero alam kong hindi rin niya ako susundin kaya ano pang magagawa ko?
Nanatili na lang ako sa kaninang posisyon pero bilang ganti ay binigatan ko ang sarili ko.
Makaramdam man lang to ng pagod.
Ibinaba rin naman niya ako nang makalabas na kami.
"Bakit mo ba ako inilabas?" Imbes na sagutin ako ay iniwan lang niya ako saka nag tungo sa gilid ng dorm.
Inilabas labas ako tapos mag wowalk out? Yung totoo?
Papasok na sana ako ulit pero agad rin siyang bumalik na may dala dala. Hindi ko maaninag kung ano yun pero isa iyong mahabang itim na bagay.
Oh shoot!
Iniabot niya sa akin ang Itim na skateboard na kanina niyang dala dala. Sakin ba to?
"Ano to?" Naguguluhan ako... Bakit niya ako binigyan nito?
"Bangka, try mo kung lilipad- Aray bakit ba ang sadista mo?!" Daing niya matapos ko siyang kurotin sa may bandang tagiliran.
Puro kasi kapilosopohan.
"Bat ba ang pilisopo mo?"
"Eh bat ang high blood mo?"
"Eh bat nagengealam ka?"
"Bakit hindi?"
"Bakit ba kasi?!" Malalim akong huminga saka itinaas ang Skateboard na binigay niya sa akin. "Bakit mo ako binilhan nito?"
Hindi ko kasi talaga gets kung para saan to... Hindi ko naman to hiningi sa kaniya, hindi ko naman din Birthday para regaluhan niya.
Atsaka bakit ba napaka walang kwenta niyang iniabot to? Wala man lang. "Lia regalo ko." basta na "Oh"
BINABASA MO ANG
Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)
خيال (فانتازيا)I'm Aphrodite Liana Despues...I thought I already knew myself,I thought my personality was complete but I was wrong... That section helped me identify who I really am... ~ Vehemens ~