Chapter 34

44 4 0
                                    

Tulog pa ang mga Vis pati sina Liham at Rie kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanila bago umalis at magtungo sa dormitoryo namin.

Iniwanan ko na muna ang mga gamit ko dahil ko pa sigurado kung magiging maayos ang pag-uusap namin ni Zeus...

Masyadong mataas ang pride niya at hindi ko rin alam sa sarili ko kung paniniwalaan ko ba sya sa mga sasabihin niya.

Saktong nasa labas siya ng makarating ako sa dormitoyo namin kaya't hindi ko na sya kailangang tawagin pa sa kaniyang pangalan.

Nang makita niya ako ay nag-aalinlangan siyang lumapit sa akin, at parang takang-taka sa nakita.

"Galy" anito at akmang yayakapin pa ako pero ako na ang kusang umiwas.

Iniiwas ko ang tingin sa kaniya dahil alam ko sa sarili kong hindi ko rin kayang pigilan ang sarili ko sa pananabik sa kaniya...

Kailangan kong maging matigas kahit ngayon lang para malaman niya kung gaano ako nasaktan sa mga nangyari.

"Makikinig ako" tipid na sabi ko habang nakatuon sa iba ang atensyon "Magpaliwanag ka at makikinig ako" rinig ko ang mahinang pagbuntong hininga niya.

"Kung maririnig mo ba ang dahilan ko ay babalik ka?"

"Babalik ako kung magugustuhan ko"

Nagtungo kami sa pinaka tahimik na lugar dito sa loob ng AA para makapag-usap kami ng matino kahit alam namin sa isa't isa na away lang ang kahihinatnan nito.

"Naghihintay ako" sabi ko ng mapansin kong hindi pa siya handang magpaliwang. Ayokong magsayang ng oras.

Nag-iisip ba siya ng alibi niya para mapabalik ako?

"Nasa plano rin yun" maikling panimula niya.

Dapat ko ba munang hulaan kung saang parte ng kasinungalingan nila ang planado?

"Sa dami niyong pinlano ay hindi ko na alam kung alin doon ang tinutukoy mo" sarkastikong sabi ko saka naupo sa malaking troso na naroroon.

"Ang planong nagpalayo sayo sa akin... Ayoko sanang gawin yun pero kailangan." halata ang lungkot sa boses niya pero hindi ko hahayaang lamunin na lang ako ng awa. "Nasa plano na ikaw ang papuntahin para makita mo yun... Alam mo na naman siguro na hindi na magagawang ibalik ni Dion ang ala-ala mo, ikaw lang ang may kakayahang gumawa nun"

Kaya ba sinakto nilang ganoon ang gawin ni Zeus at ako mismo ang utusan nilang papuntahin para lang maalala ko ang sakit na naramdaman ko noon?

Para lang maramdaman ko kung gano sakit ang pakiramdam ng mapagkaisahan at nang sa ganun ay maibalik ang ala-ala kong sila rin naman ang nagbura.

"Ayokong sumunod nun pero anong magagawa ko? Ayoko ring mawalan ng saysay ang lahat ng naging sakripisyo mo, ayokong mawalan ng halaga ang buhay ng mga magulang mo... Kaya kahit ayoko ay ginawa ko kahit ang kapalit nun ay hindi natin maituloy ang naudlot nating kwento... Kahit ang epekto nun ay ang malayo ka ulit sa akin" dagdag pa niya.

Habang pinapakinggan siya ay hindi ko maiwasang isipin na kasalanan ko rin ang lahat...

Selfish ba ako dahil hindi ko muna sila pinakinggan? Selfish ba ako dahil nakaramdam ako na parang pinagkaisahan nila ako, selfish ba yun?

"Sana sinabi niyo nalang sakin... Sana ipinaliwanag niyo Zeus, hindi na ako trese anyos alam niyong maiintindihan ko"

At alam kong may iba pang paraan maliban sa saktan ulit nila ako... Bakit pakiramdam ko ay isang sumpa ang kapangyarihang mayroon ako? Bakit pakiramdam ko ay hindi ako kailanman magiging masaya habang nasa akin ito?

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon