"Saan ka galing?" Tanong niya saka ako tinapunan ng nanlilisik na tingin.
Para niya akong kinikilatis mula ulo hanggang paa... Kailan pa siya nagkaroon ng pakialam kung saan akong lupalop nag pupupunta?
As I can remember si Zeus lang ang laging galit na galit kapag nawawala ako.
"Huh? Sa grocery store nawala kayo eh-"
"Ikaw ang nawala, hinahanap ka namin" Halata ang galit sa boses niya. Tumataas na rin ang boses niya kaya medyo nakaramdam na rin ako ng takot.
Bakit ba ako natatakot sa kaniya? Ang malamig niyang boses, ang walang pakialam niyang pagkatao, at ang pagiging tahimik niya.
Wala akong dapat ika-takot sa lalaking to
"Kasama ko naman siya Ares-" Sa pag kakataong ito ay si Zeus na ang nagsalita pero muli siyang pinutol ni Ares.
"It doesn't mean that she's with you, she's safe!"
Kitang kita ko ang pagkabigla sa mga kasama ko... Miski ako ay nagulat dahil sa sinabi niya.
Ang tono niya... At si Zeus... Si Zeus ang kausap niya.
"Buo naman siya ha? Ni hibla ng buhok niya ay walang nawala" Ang kaninang mahinahong pananalita niya ay napalitan ng galit.
Pero hindi iyon naging dahilan upang matigil si Ares... Nanatili pa rin siya sa pwesto niya at ganun parin ang awra niya.
"Sa susunod kung magkasama kayong dalawa ay ipaalam niyo... You're our leader pero kung umasta ka para kang batang kailangang alagaan"
Patakbo kong nilapitan si Zeus pero huli na dahil nahawakan na niya ang kwelyo ng kausap.
Wala pang isang segundo ay malakas na suntok ang sumalubong kay Ares. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita...
Hindi ako nagtataka sa ginawa ni Zeus dahil alam kong ganun siya at kayang kaya niya yung gawin... Pero hindi kay Ares.
"Tumigil nga kayo... Zeus tama na" Ani Diana pero nanatiling sarado ang tenga ng dalawa.
"Sa susunod na magsalita ka isipin mo muna... Hindi ko ipinahamak si Lia, kaya wag kang umustang parang ako ang kalaban niyo"
Lalapitan ko pa sana siya pero mabilis niya akong dinaanan at padabog na isinara ang pinto ng tuluyan na siyang makaalis.
Kitang kita ko ang pamumula ng gilid ng labi ni Ares at ang dugo na nag simula ng tumulo papunta sa baba niya.
Malakas ang suntok na iyon... Wala bang kikilos sa kanila? Shoot wala si Hestia.
Mabilis akong naglakad papalapit sa kaniya ng makatayo na siya.
"Sorry kung nag alala kay-"
"Wala ng mababago ang sorry mo... Wag mo akong kausapin" Malamig na sagot niya... Galit nga talaga siya.
"Ano bang problema? Hindi naman ako napahamak" Muling pag papaliwanag ko pero hindi parin siya nakikinig... Nag simula siyang maglakad papalayo sa akin. "Teka nga" Hahawakan ko sana ang kamay niya pero bigla niya itong sinalag at dahil sa lakas ng ginawa niya ay tumama ang kamay ko sa bakal ng double deck.
Pagtingin ko roon ay may tumutulo ng dugo... At saakin yun...
Kahit madami ng dugo ang lumabas sa hiwa ng kamay ko ay hindi parin ako nakakaramdam ng sakit mula roon.
BINABASA MO ANG
Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)
FantasiI'm Aphrodite Liana Despues...I thought I already knew myself,I thought my personality was complete but I was wrong... That section helped me identify who I really am... ~ Vehemens ~