Hindi na ako kumain sa Dormitoryo ng mga Vis sa halip ay nagtungo nalang ako sa Cafeteria para doon na mag umagahan.
Mabilis lang rin naman akong natapos kumain at papaalis na sana ako ng bumungad sa akin si Zeus.
"Sa Dorm ka raw ng mga Vis natulog"
"So?" tipid na sagot ko saka nagpatuloy lang sa paglalakad nang muli niya akong harangan.
"Bakit hindi ka nalang sa Dorm kumain, nagluto si Hermes"
Ayoko na sana siyang kibuin pero lalo lang siyang hindi titigil kung ganoon ang gagawin ko.
"Tapos na akong kumain"
Hindi ko na siya hinintay na sumagot o magtanong ulit at agad na akong umalis sa Cafeteria at iwanan siya.
Dumeretsyo ako sa Library ng maalala kong naiwan ko ang locket ko sa Safe... Hindi naman iyon ganoon ka importante pero gusto kong suot-suot ko parin iyon.
Lalo't hindi naman talagang naaalis iyon saakin noon pa.
Nang makuha ko na iyon at handa na akong isuot iyong muli ay napansin ko ang kwintas na nakasuot sa akin.
Ang ibinigay sa aking kwintas ni Zeus... Alam ko na kung ano ang kapangyarihan ko at kung sino ako kaya't hindi ko na ito kakailanganin pero ayoko parin itong tanggalin.
Hindi ko pa kayang tanggalin.
Papasok na ako ng elevator ng muling tumambad sa akin si Zeus pagkabukas niyon... Wala na akong nagawa kung hindi pumasok nalang at wag ng pansinin ang presensya niya.
"Galy please" mahinang anito.
"Zeus please lang ayokong pag-usapan yan" ang akala ko ay titigil na siya kakaungkat niyon pero nagkamali ako.
Lalo siyang lumapit sa akin kaya marahan akong umisod pero lalo lang siyang nagsimiksik dahilan para tuluyan ng bumangga ang braso ko sa gilid ng elevator.
"Galy, kailangan mong pakinggan ang eksplenasyon ko... Kailangan mong makinig sakin"
"Zeus malinaw sakin ang lahat. Walang tayo, wala akong karapatan... Tapos" saktong pagkatapos kong sumagot sa kaniya ay bumukas naman ang pinto kaya't muli ko siyang tinalikuran at iniwan na siya roon.
Sinalubong ako ni Liham sa hallway saka ibinalitang nandito raw ngayon si Ate Dion at hinahanap daw niya ako.
Agad akong nagtungo sa Museo para puntahan siya.
Madilim ang lugar na iyon at mula pa noon ay wala ng pumupunta roon kung hindi kailangan. Masyadong tahimik ang lugar na yun at wala talagang katao-tao.
"Ate" pagtawag ko sa kaniya ng makita siyang nakaharap sa isang malaking rebulto ni Aexearene.
Dito itinatayo ang mga rebulto ng mga naging bayani ng AA, halos lahat ng nandito ay ang mga naging Vehemens.
Agad niya akong nilapitan at mahigpit na niyakap... Matagal ko ng hiniling na muli akong mabalot ng mga bisig niya.
"Kamusta ka?" Tanong niya saka ako binitawan pero imbis na sagutin siya ay hinayaan ko nalang ang sarili kong umiyak sa harapan niya.
Hindi ko na kayang itago iyon, hindi ko kayang kimkimin iyon sa harapan niya.
Kailangan ko siya, kailangang-kailangan ko ang kapatid ko.
"Galy I'm sorry, I'm really sorry"
"Ate bakit? Paano? Anong dahilan mo, kasi litong-lito na ako, gulong-gulo na ako" patuloy parin ako sa paghikbi at kahit anong pagpapakalma ko sa sarili ko ay hindi ko magawang maging maayos.

BINABASA MO ANG
Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)
FantasiaI'm Aphrodite Liana Despues...I thought I already knew myself,I thought my personality was complete but I was wrong... That section helped me identify who I really am... ~ Vehemens ~